Leslie Pov.
Natapos ko ang lahat ng aking gawain matapos pumatak ang alas siete. Dumating na rin ang senyora kung saan naabutan ako nitong naghahanda na para sa pag-uwi ko.
Inalok muna ako nitong maupo sa sala dahil may sasabihin daw siya sa akin. Si akhiro naman ay hindi na lumabas sa kanyang silid, hindi pa nga ito kumakain ng hapunan dahil abala yata siya sa kanyang mga ginagawa.
"Kumain ka muna hija bago ka umuwi," umiling ako sa sinabi ng senyora. Nabusog naman ako kanina sa kinain ko, atsaka kailangan ko na rin umuwi dahil gabi na rin at tiyak ng nasa bahay na ngayon si amang.
"Kumain na po ako kanina, senyora. Kailangan ko na rin po kasing umuwi dahil baka hinahanap na ako ng tatay ko," tumango si senyora sa sinabi ko. Hindi naman na siya nagpumilit pang manatili ako dahil mukhang naiintindihan naman niya ako.
May kinuha lamang ito sa kanyang bag na nasa tabi nitong pwesto. Isang iyong sobre na ngayo'y inaabot na niya sakin.
"Iyan nga pala ang sahod mo ngayong buwan. Dinagdagan ko na 'yan para sa allowance mo, kung kulang pa. Magsabi ka lang at daragdagan ko," kinuha ko iyon dahil ayokong patagalin ang pag-aabot sa akin ni senyora. Binuksan ko rin ang sobre dahil nais ko'ng makita ang halaga ng nasa loob.
"T-teka po, masyado naman po yatang marami ito. Hindi naman po ganito kalaki ang sweldo ko," nangiti siya habang naiiling.
"Sinabi ko naman sayo, hija. May allowance ka sa akin kada buwan, bilhin mo kung anong kailangan mo na hindi ko naisama sa mga ibinigay ko. Alam ko'ng magastos ang kurso mo," hindi na ako nagbigay imik pa. Muli kong sinilip ang sobre at tiyak kong hindi lang basta limang libo ang laman nito.
"Maraming salamat po, senyora. Makaka-asa po kayo ng lagi akong maninilbihan dito sa mansyon,"
Ngumiti siyang muli sa sinabi ko. "Ayos lang naman hija kung abala ka. Naiintindihan ko namang nag-aaral ka at pangarap mong makapagtapos,"
Tumango ako. "Opo, para po sa pamilya ko. Gusto ko po kasing mapatunayang mai-aahon ko sila sa hirap,"
"Mabuti ka pa at iyan ang hangarin mo. Ang anak ko kasing si akhiro, hindi nais patakbuhin ang negosyo namin. Ayoko nga sa kursong kinuha niya dahil anong gagawin niya 'don? Bakit hindi kaya siya gumawa sa mga pinsan niyang bussiness ang pinag-aaralan," naiiling pa si senyora habang sinasabi iyon. Nakakaramdam din ako ng pagka-awa kay akhiro dahil tulad ko rin ay hindi siya sinusuportahan ng magulang niya.
Kaya siguro ganoon na lamang kalungkot ang kanyang mga mata. Kahit na mayaman siya at nasa kanya na ang lahat, mukhang hindi pa rin ito masaya dahil nga sa mga magulang niya.
NANG GABING iyon ay pinahatid ako ni senyora sa kanyang driver. Hindi ko na nasilayan pa si akhiro dahil hindi na ito lumabas sa kanyang silid. Habang hawak ko ang perang ibinigay ni senyora, naiisip ko na kung anong bibilhin ko. Dahil madalas kaming magkaroon ng activity at gabi-gabi na akong laman ng internet shop, magpapalagay ako ng wifi sa bahay. Kaya ko naman sigurong bayaran iyon sa kada buwan ng sahod ko. Kailangan ko lamang magtipid ng husto dahil makakatulong din naman sa akin ang connection sa internet.
"Bakit hindi mo muna tinanong kung papayag ba ako?" hindi ako nakasagot sa tanong na iyon ni inang. Sinabi ko kasi ang balak ko ngunit halatang hindi rin naman siya pabor.
"P-para po sana sa pag-aaral namin ni kassandra. Kailangan rin kasi namin ang connection," napaismid si inang.
"Bahala ka sa gusto mo, leslie! Basta huwag mong hihingian ng pera ang tatay mo sa oras na wala kang pagbayad sa wifi na 'yan!"

BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
General FictionSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...