Third Person Pov.
ALAS SAIS NANG umaga ng matapos si leslie sa paglalaba. Sa oras na 'ring iyon ay paalis na si kassandra at helen para magtungo sa kani-kanilang pupuntahan.
Si leslie naman ay naghahanda pa para magtungo ng pamilihan. Hindi nito malaman kung anong bibilhin niya sa perang ibinigay sa kanya ni akhiro. Hindi rin naman kasi niya alam kung ano ang mga paboritong pagkain ng binata.
Gayon man, nagpasya na lamang si leslie na magluto ng ulam at kanin. Balak din nitong magdala ng prutas at kung may sumobra man sa pera ni akhiro ay ibabalik niya iyon mamaya.
Alas otso pasado na ng makarating sa mansyon si leslie. Naghihintay na doon si akhiro na medyo iritable dahil alas otso na ay wala pa si leslie. Wala din naman ang senyora dahil may inaasikaso ito sa hacienda. Maging ang kanyang ama ay abala sa kanilang negosyo kaya't halos si akhiro lang ang nasa mansyon at mga kasambahay na kasama niyang nakatira doon.
Pagkapasok nito ay agaran siyang sinalubong ng mayordoma na si aling rosa. Ibinalita ng ginang na kanina pa siya hinihintay ni akhiro na ngayo'y nainip na at naroon si likurang mansyon.
"Kinailangan ko pa po kasing magluto eh. Hindi ko po alam ang dadalhing pagkain dahil wala akong ideya sa mga paborito ni akhiro." tumango si aling rosa. Marami ngang dalang pagkain si leslie na nakapalood sa mga tupper ware. May binili din itong prutas at ilang mamon na maaari nilang kainin mamaya.
"Si señorito talaga, ang dami namang pagkain dito. Bakit kailangan ka pa niyang utusan?"
"Hindi ko po alam, ang bilin niya po ay bumili ako ng makakain para dalhin namin sa burol."
Napabuntong hininga si aling rosa dahil sa sinabing iyon ni leslie. "Hindi pa pala nakakalimutan ni señorito ang burol na 'yon. Hangga ngayon ay mas nais niya pang pumaroon kesa ang magtungo sa hacienda."
Hindi sumagot si leslie sa sinabing iyon ng senyora. Madalas din naman magtungon noon si leslie sa burol, kung lalakarin iyon mula sa kanila ay malapit lang. Ngunit kung sa mga mansyon ng del Vega ay medyo malayo.
Natatandaan pa noon ni leslie na madalas siyang may makasama doon.
Hindi na nito matandaan kung ilan taon na ba siya noon. Matagal na kasing panahon iyon at hindi naman niya inaalala pa. Basta ang tanda lang nito noon, may nakakalaro siyang batang lalake doon na hindi nito nakilala sa pangalan."Nga pala, halatang magkasundo naman kayo ni señorito. Alam mo ba na mahilig sa menudo at kaldereta si akhiro." napangiti si leslie dahil sa narinig niyang iyon. Isang magandang pangyayari yata na ang inihanda niyang pagkain ngayon ay menudo. Dinamihan na niya iyon dahil balak niya 'ring bigyan sila aling rosa.
Sa sobrang dami ng dala niya, halos mangawit na rin ang dalawang kamay niya kaya napag-desisyonan muna ni aling rosa na ilapag iyon sa mesa.
"Tatawagin ko lang si señorito." tumango si leslie habang nakaupo na sa malambot na sofa. Naiwan siya sa sala at doon matiyagang naghintay, pagkaraan nga ng ilang minuto ay dumating na si aling rosa ngunit hindi naman na nito kasama si akhiro.
"Hintayin mo lang daw siya saglit diyan, may kausap kasi siya."
Tumango na lamang muli si leslie. Nasabi rin ni aling rosa na may gagawin siya saglit kaya't muli ay naiwan si leslie doon. Kinse minutos pa yata ang lumipas ng dumating si akhiro.
Naka-plain longsleeve siya ng dark gray habang naka-black pants. Dahil sa suot niyang iyon, lalo lang nadedepina ang malalaki niyang braso at kagandahan ng katawan nito. Nag-iwas ng tingin si leslie ng huminto ito sa harapan niya, naaamoy pa nito ang pamilyar na pabango ng binata na hindi na niya yata makakalimutan.
"Bakit ngayon ka lang dumating?" muli ay napalingon si leslie dahil sa tanong niyang iyon. Hindi niya magawang mangiti dahil kakaiba ngayon ang dating sa kanya ni akhiro. "May iba ka bang pinuntahan?" sa pagkakataong iyon, umiling na si leslie bago sabihin ang dahilan niya.
"Naglaba pa kasi ako, nilabhan ko iyong jacket na pinahiram mo sakin." kinuha ni leslie ang paperbag upang i-abot iyon kay akhiro. Tiningnan lang iyon ng binata at hindi sinubukang kunin. "Nagluto din ako ng makakain natin, bumili ako ng ilang prutas at mamon."
"I already told you, leslie. Thoose money is for you. Hindi mo na kailangan pang ibalik sakin."
"Bakit mo naman ako bibigyan ng pera? Hindi naman ikaw ang boss ko."
"Because i know you need it, tsk." umismid si akhiro habang salubong ang kilay. "Let's go, umalis na tayo. Habang hindi pa masyadong mainit." tumalikod na nga si akhiro at dumiretso palabas ng mansyon. Samantalang si leslie ay naiwan doon dahil kaillangan pa niyang dalhin ang mga pinamili niya at kanyang niluto.
Pagkalabas nito ay wala na si akhiro, inililibot niya ang kanyang paningin ngunit hindi nito makita ang kabayo ng binata. Maka-ilang segundo lang din ng may kotse itong nakita, papalapit na iyon sa kanya hangga sa huminto ito sa harapan nito.
"Ito ba ang sasakyan natin ngayon?" kunot ang noo ng binata sa tanong na iyon ng dalaga.
"Kaya mo bang dalhin lahat ng iyan sakay ng kabayo?"
Kumibot ang nguso ni leslie dahil sa sarkasmong tanong niya iyon. Bumubulong pa ito habang isinasakay niya ang mga dalang pagkain.
"Napaka-gentle man talaga." nagmamaktol ito hangga sa matapos siya sa kanyang ginagawa. Doon na rin siya inutusan ni akhiro na maupo sa passengerseat dahil ayaw daw niyang magmukhang driver kung sa likuran ito uupo.
"Your mother is too harsh yerterday." natigilan si leslie ng bigla ay sabihin iyon ni akhiro. Hindi siya nakasagot agad dahil naisip nito na baka nakita ng binata ang ginawa sa kanya ng step mother niya kahapon. "May ginawa ka ba'ng masama? Hindi ka ba nagpaalam?"
Umiling si leslie sa tanong na iyon ni akhiro. "Nagpaalam ako, ganon lamang talaga si inang. Sanay na ako."
"She's hurting you, wala naman akong nakikitang rason para saktan ka niya."
"Huwag mo ng alalahanin pa 'yon, wala naman problema para sakin. Sanay na ako, gaya ng sabi ko." hindi na nagbigay komento pa si akhiro sa sinabi niyang iyon. Nakita nga nito kahapon si helen na pinagsisigawan si leslie, pati ang pagduduro niya sa sintido nito ay nakita niya ngunit hindi niya nagawang mangialam.
Hindi lamang mawala sa isip niya iyon kaya nabanggit niya iyon ngayon. "My mom didn't support me in my course, pero ni minsan naman ay hindi niya ako pinagsalitaan ng masama." nilingon siya ni leslie sa sinabi niyang iyon. Para bang narinig na nga iyon ni leslie sa senyora dahil ang nais ni senyora flora ay mag-aral si akhiro sa kursong agriculture.
"Ano nga ba ang kurso mo? Hindi ba iyan tungkol sa negosyo niyo?" kahit na may ideya si leslie. Nagawa niya pa rin itanong iyon kahit hindi siya sigurado kung sasagutin ba siya ng masungit niyang kasama.
"Engineering." dalawang beses na tumango si leslie sa sinagot ni akhiro. "I don't want to manage the hacienda. Pero pinipilit pa nila ako."
"Ano bang meron sa hacienda at ayaw mo doon?"
"I just hate thoose people who working with us. And i saw daddy when i was a kid. May babae siya doon."
Napamaang ako sa sinabing iyon ni akhiro. Hindi ako nakasagot dahil hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.
"Her name is Normalisa."
Hindi halos makagalaw si leslie dahil sa narinig. Hindi rin siya naniniwala na ang sinasabing babae ni akhiro ay ang tunay niyang ina na si norma.
Baka nagkataon lang na kapangalan lamang niya iyong babae at hindi iyon ang nanay niya.
"When i saw them, i start to hate the whole san nicolas. Pumunta pa ako ng manila at doon nag-aral, nakumbinsi lang ako ni mommy na dito magkolehiyo, but it's still svcks."
Hindi na tinangka pa ni leslie na magbigay imik, sa sinabing iyon ni akhiro. Para ba'ng naiintindihan na nito kung bakit siya ganyan.
Ngayon ay alam na ni leslie kung bakit ito nagsusungit at kung bakit ayaw nitong pamahalaan ang hacienda.
*********
To be continued.....

BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
Ficção GeralSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...