AKING PINAKAMAMAHAL NA INAY

6 0 0
                                    

I
Pagmamahal niya ay walang kondisyon
Paminsan naman ay dulot natin sa kanila ay konsumisyon
Sa pakiwari ko ay dapat siyang pangalagaan at bigyan ng proteksyon
Na tila ba ligtas kang makakapunta sa iyong destinasyon

II
Hindi ko lubos maisip kung paano mo ako dinala mula sa iyong sinapupunan
Sadyang napakahirap sapagkat siyam na buwan!
Siyam na buwan ang ginugol mo maprotektahan mo lang ang iyong tiyan na para bang singlaki ng pakwan
At siyang pagsusuka mo sa umaga na para bang tinutusok ang iyong kalamnan

III
Ni mga wirdong kombinasyon ng mga pagkain, di mo pinatawad
Sarap na sarap ka sa iyong pagkain na pakiramdam mo ikaw ay sagad na sagad
Sa pagsapit ng umaga, nais mo sayo'y ngiti ni Haring Araw ang siyang bubungad
Na tila ba pakiramdam mo, isa kang ibon na may layang lumipad

IV
Halos magbuwis ka ng buhay, mailabas lang ang isang anghel
Halos manghina ang iyong katawan na para bang kinunot na papel
Labis na tuwa ang iyong naramdaman pagkakita mo sa isang sanggol
Sanggol na siyang paglaki niya ikaw ay kanyang ipagtatanggol

V
Sa mga malilit na bagay, ikaw ay napakabalat-sibuyas
Panay din ang iyong puyat sa pagtitimpa ng gatas
Ni lamok at langaw ay ayaw mong padapuan sa akin
Na tila ba ayaw mo akong mawala sa iyong paningin

VI
Lahat ng gawaing-bahay, di mo pinapalampas
Sa loob ng bahay, ikaw ay batas
Minsan man ay bunganga namin ay matatas
Binibigay mo sa aming pagmamahal ay patas

VII
Nais kong ikaw ay lumigaya,
Sapagkat kami ang sanhi ng inyong pagluha
Pagluha na nagdudulot ng sakit sa iyong puso
Puso na sobra-sobrang magmahal ng totoo

VIII
Ipinagmamalaki ko na may ina akong kagaya mo
Ika'y laging handang magsakripisyo
Tumutupad ka rin sa iyong mga pangako
Tunay ka ngang larawan ng isang inang may pusong totoo

Photo Source:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fimage.slidesdocs.com%2Fresponsive-images%2Fbackground%2Fmother-hugging-child-silhouette-heart-shaped-flower-mothers-day-powerpoint-background_dc205135c0__960_540.jpg&tbnid=U_npQPobe4Y6JM&vet=1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fslidesdocs.com%2Fbackground%2Fmother-hugging-child-silhouette-heart-shaped-flower-mothers-day-powerpoint-background_dc205135c0&docid=xhr2YpcD9-9RlM&w=960&h=540&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F2

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now