SENSASYONG HINDI KO NAPIGILAN

7 0 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa malalagkit mong titig
Hindi ko maintindihan ang aking sarili ngunit ako ay kinikilig
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan sapagkat ako'y nanginginig
Ni isa man lang salita ay walang lumalabas sa aking bibig

Iba ang dulot mo sa akin
Ni hindi ka mawala sa aking paningin
Tanging repleksyon mo ang aking nakikita sa salamin
Pakiramdam ko dinuduyan ako ng hangin

Ikaw lang ang tanging laman ng isip ko
Maging sa aking panaginip, ikaw ay nanggugulo
Nakatulala lamang ako sa kawalan na para bang hindi ko na maramdaman ang aking wisyo
Tila ba isa kang tanong na kay hirap sagutin sapagkat ikaw ay nakakabobo

Sa palagay ko, isa kang droga
Droga na sa sobrang pagkaadik ko sayo, hinahanap kita
Ikaw rin ba'y isang kati?
Kati na sa sobrang kamot, pipiliin mo na lang magbigti

Muling nagkrus ang ating mga landas
Pakiramdam ko ay nakakadena ako at hindi makakalas
Unti-unti mo na rin akong nilalapitan na para bang ahas
Ikaw ay nangahas na halikan ang aking mga labi na para bang wala ng bukas

Dinala mo ako sa isang silid
Silid na kung saan pinagsaluhan natin ang buong gabi
Gabi ng pagsasama ng ating mga katawan na ni isa ma'y walang naging balakid
Balakid na hinding hindi mauudlot ang mga gusto nating mangyari

Nagpadala ako sa sensasyong hindi ko napigilan
Na tila ba inaanod ako ng karagatan
Mula sa karagatan ay nasilayan ko ang napakagandang paraiso
Paraiso na aking pinangarap sa tanang buhay ko

Photo Source:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.crushpixel.com%2Fbig-static14%2Fpreview4%2Fsensual-woman-kiss-with-man-1394616.jpg&tbnid=eJ7ijklu6qE43M&vet=1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.crushpixel.com%2Fstock-vector%2Fsensual-woman-kiss-with-man-1394616.html&docid=3oxwn2s82a4dgM&w=1500&h=1500&itg=1&hl=en&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F2

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now