"NANG MAGMAHAL SI MAGDA"

2 0 0
                                    

Disclaimer:
This poem is inspired with the song entitled "MAGDA" performed by Gloc 9 feat. Rico Blanco. There is a somewhat minor change in this poem unlike the original song.

I
Itago niyo na lang ako sa pangalang Magda,
Turing ni itay sa akin ay para bang isang prinsesa
Turing naman ni inay sa akin ay para bang isang alahas
Tila ba isa akong rosas sa hardin sapagkat sa piling ng aking mga magulang ako ay ligtas

II
Gumimbal sa buo kong pagkatao ang aking nalaman
Mga mahal kong magulang ay nasangkot sa isang kapahamakan
Sa kanilang pagkawala, nagpalunod ako sa aking kalungkutan
Nalugmok ako sa karimlan

III
Sa paglipas ng panahon, iba ang tinahak kong landas
Sa aking pag-iisa ay napadpad ako sa isang establisyemento
Patay-sinding mga ilaw ang siyang makikita sa itaas
Dagundong ng malakas na musika ang aking tinatahak sa isang entablado

IV
Kasabay ng mga musika ang aking pag-indayog
Nakita ko ang isang kaibigan na nakatitig sa akin
Hindi maalis ang aking paningin sa kanya na tila ako'y sasabog
Tila ba ako'y kanyang inaangkin

V
Matapos ang aking pag-indayog, agad niya akong nilapitan
Naghahanap kasi siya ng makakausap
Pinagbigyan ko naman ang kanyang kahilingan
Hanggang sa ang aming pag-uusap ay napalitan ng sensasyong kaysarap

VI
Labis akong nasiyahan, aking Ernesto
Ikaw lang ang lalaking nagparamdam ng ganito sa aking puso
Ipinaramdam mo sa akin na ang pag-ibig mo ay totoo
Ngunit hanggang dito na lang tayo; hindi ako nararapat sayo

Photo Source:

https://www.canva.com/design/DAFwkF-C2uA/1-s3T76IuOiwoY7olx_DRQ/view?utm_content=DAFwkF-C2uA&utm_campaign=share_your_design&utm_medium=link&utm_source=shareyourdesignpanel

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now