"MAGDALENA: THE STAR DANCER "

2 0 0
                                    

Disclaimer: 

Ang tulang ito ay hinango sa kantang "MAGDA" ni Gloc 9 at Rico Blanco. Mula sa huling apat na taludturan ng tulang ito ay ibinatay sa liham ng nasa kanta ngunit ang ibang konteksto nito ay iniba.  Itong tula na ito ay ibinase mula sa kanta,  at hindi iniba ang istorya. Sa lahat ng nasulat na tula na aking naisulat,  maipagmamalaki kong ito ang pinakamahaba sa lahat na binubuo ng 21 na taludturan. 

Magdalena ang kanyang pangalan
Siya'y aking kaibigan
Mula pagkabata kami'y magkasama na
Hanggang sa pagdadalaga niya'y kasama ko pa rin siya

Ganyan kami katibay!
Hindi kami mapaghihiwalay
Walang makakasira sa aming pagkakaibigan
Samahan nami'y aking pinapahalagahan

Pangarap niyang makaahon sa hirap ang kanyang pamilya
Gusto niyang makaalis sila sa kinasasadlakan nila
Bilib rin ako sa kanya!
Pagnanasang magtagumpay ang nakita ko sa kanyang mga mata

Kinausap niya ako sa desisyon niya
Luluwas siya upang pumunta ng Maynila
Nagpapaalam siya sabay sabing susulat siya
Nangako siyang kami'y magkikita pa

Magkakahiwalay na kaming dalawa
Hindi ako sanay na kami'y magkalayo
Pero sino ba naman ako para pigilan ang pangarap niya
Kami'y magtatagpong muli, itaga mo 'yan sa bato!

Sa pagdaan ng maraming taon,
Hindi siya nagparamdam
Sa paglipas ng panahon,
Nangungulila ako sa kanya

Kanyang mga liham, aking iniingatan
Kanyang pangako, aking kinakapitan
Mahal ko siya, iyon ang totoo!
Hindi ko lang naamin dahil naduwag ako

Hahanapin ko siya!
Pupunta akong Maynila!
Gagawin ko ang lahat para sa kanya
Hangad kong siya'y makita't mayakap na

Nilibot ko buong Kamaynilaan,
Hawak ko ang kanyang larawan
Nagtanong-tanong kung kilala ba nila si Magda,
Ngunit walang nakakakilala sa kanya

Nagpatuloy ako,
Hindi ako sumuko
Ako'y determinadong mahanap siya
Magkikita kaming dalawa!

Sa pagtanong-tanong ko sa ibang tao,
Napunta ako sa maingay at dagundong ng musika ang iyong maririnig
Nakita kong may medyo kalakihang entablado
"Star Dancer," iyan ang kanilang bukambibig

Mga paa ko'y hindi makagalaw sa aking kinatatayuan
Mga mata ko'y hindi makapaniwla sa aking nakikita
Si Magda, ang matalik kong kaibigan
Sa ilalim ng patay-sinding mga ilaw, siya'y naroroon at sumasayaw

Kanyang mukha'y nilagyan niya ng kolorete
Kanyang hikaw ay nagpapagewang-gewang na para bang balahibo sa ere
Kanyang labi'y singpula ng makopa
Ako'y napaisip, anong nangyari sa kanya?

Nagtagpo ang aming mga mata
Nagulat siya ng ako'y kanyang makita
Nang matapos ang musika,
Ako'y lumapit upang makausap siya

Hindi siya makatingin ng diretso,
Napakagat-labi siya
Sa kanya'y maraming tanong ang aking ibinato
Humikbi siya - ayaw ko siyang makitang mahina

Inalo ko siya ngunit hindi ako nakapagtimpi,
Hinagkan ko ang kanyang mapupulang labi
Hindi ko na napigilan ang aking sarili
Dalawang katawa'y naging isa sa maaliwalas na gabi

Nagising akong wala siya sa aking tabi
Nakita kong may liham sa lamesa na nakatupi
Liham niya'y aking binasa,
Mga luha ko'y nag-uunahan na bumagsak mula sa aking mga mata

Di malilimutan mga sinabi niya sa akin,
"Aking Ernesto,  ngayong nakasama kita ngayong gabi ay kaysaya ko
Masakit mang isipin,
Pero heto ako, sadsad na sadsad sa kinasadlakan ng aking buhay

Ganito man ako,  meron ako sayong maipagmamalaki
'yon ay ikaw lang ang bukod-tanging hinalikan ko sa labi
Salamat dahil pinaramdam mo sa aking dapat akong mahalin
Kahit tingin ng mapangmatang tao sa aki'y kaladkarin

Gusto ko mang manatili sa iyong mga yakap
Ako ma'y masaya ng ako'y iyong nahanap
Kayhirap ng walisin ang mga nagawa kong kalat
At ako'y hindi sayo nararapat

Pabaon mong halik ay hindi ko malilimutan
Mananatiling alaala na lang ang ating mga pinagsamahan
Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, nagmamahal, Magda"

Photo Source:

https://images.app.goo.gl/W7XsnXzJ3JuYqTtt8

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now