BIYAHE NATING DALAWA

4 0 0
                                    

Akala ko walang hangganan ang ating nasimulang biyahe
Iiwan mo lang pala ako sa ere
Akala ko tayo lang ang mga pasahero
'yun pala may kahati na pala ako sayo

Sobrang sakit! Alam mo ba iyon?
Magdadala ka lang pala sa akin ng konsumisyon
Hindi ba ang sabi mo pa sakin magsasabay tayo sa ating destinasyon?
Nagkamali ako! Nagpadalos dalos ako sa aking desisyon

Ako na lang pala ang kumakapit sa ating dalawa
Mga kamay mo'y bumitaw na
Ako na lang pala ang umaasa
Umasa ako sayong gago ka!

Hindi ko na sana pinara ang iyong sasakyan
Upang hindi ka makapasok sa aking puso't isipan
Akala ko magiging masaya ako sa iyo
Dala mo pala'y pasakit sa aking puso

May nakapintang ngiti sa akin nang tayo'y nagsimula
Nagtapos tayong may mga luha sa aking mga mata
Smooth ride ang ating nasimulan
Paghihiwalay din pala ang ating kahihinatnan

Photo Source:

Canva

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now