DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN

5 0 0
                                    

I
Siya ang dakilang Tagapaglikha
Lumikha sa lahat ng mga nabubuhay dito sa mundong ito
Isang mundong puno ng lungkot at saya
Lungkot at sayang nararamdaman ng ating mga puso

II
Siya ang nakahihigit sa lahat
Ni wala siyang kapantay
Pinagpapala niya ang sa kanya'y tapat
At pinaparusahan niya ang sa kanya'y susuway

III
Siya ang nagsisilbing ating liwanag sa dilim,
Takbuhan kung tayo'y pinanghihinaan ng loob
Ibaon mo man sa limot ang iyong mga lihim
Tiyak kanyang malalaman iyon sa sobrang talas ng isip niya

IV
Siya ang dakilang Tagapagwasak
Mataas man ang iyong lipad,
Tiyak mapuputol din ang iyong pakpak
Mga mata at tainga niya ay laging nakamasid saan ka man mapadpad

V
Nag-iisa lamang siya
Ni isa man ay wala siyang katulad
Sinasamba natin siya kahit hindi natin nakikita
Mga kasalanan natin ay kanyang pinapatawad

VI
Iba-iba man ang nakagisnan nating kultura
Pinag-iisa tayo sa isang paniniwala
Paniniwala na ang ating Diyos ay nasa tabi lang natin
Hindi man natin siya nahahawakan, ramdan natin ang pagmamahal niya sa atin.

Photo Source:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fmedia.istockphoto.com%2Fid%2F165888048%2Fphoto%2Fsilhouette-of-unrecognizable-man-in-worship-silhouette.webp%3Fb%3D1%26s%3D170667a%26w%3D0%26k%3D20%26c%3DOV9ErcX8d11vUFJ_F6ez5L5qbyCJbIs-fydwkcs4mEU%3D&tbnid=lgtEs6Z6vrvLeM&vet=1&imgrefurl=https%3A%2F%2Funsplash.com%2Fs%2Fphotos%2Fpraise-and-worship&docid=e4aFrk-O-atJDM&w=507&h=338&hl=en&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F2

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now