PATAWAD, PAALAM

2 0 0
                                    

Saan ba ako magsisimulang magkwento?
Gayong sa tuwing naaalala ko ang lahat parang dinudurog ang aking puso
Alam ko naman sa aking sarili na ako talaga ang nang-iwan sayo
Hindi ko na maitatama ang lahat sapagkat iyon ang totoo

Natakot ako, hindi man lang kita ipinaglaban
Nang lumayo ako, ikaw ay nasaktan
Pangungulila ang iyong naramdaman
Naglalaro pa rin sayong isipan kung anong rason kung bakit kita iniwan

Wala akong iniwang bakas para hindi mo ako matunton
Sa pag-iwan ko sayo ay wala rin akong rason
Ako dapat ang iyong gamot sa mga natamo mong lason
Pinabayaan kitang lunurin ng lungkot ang iyong sarili hanggang sa hindi ka na makaahon

Napakamakasarili ko!
Hindi ko man lang naisip ang mararamdaman mo
Nagpakalayo-layo ako
Pero hindi man lang sumagi sa isip ko ang iyong mga sakripisyo

Labis kitang nasaktan
Nagdulot ako sayo ng iyong hindi magandang karanasan
Nasaktan ko ang pinakamamahal kong babae
Kaya pinagsisihan ko na lahat ang ginawa kong pang-iiwan sayo sa ere

Tanging kagandahan ng loob ang ipinakita mo sa akin
Ngunit hindi ko man lang iyon nasuklian
Itong pagkakataong ito, hinding hindi ko na papalampasin
Mga nangyari sa ating nakaraan ay dapat na nating kalimutan

Panatag na ang kalooban ko
Sapagkat wala na rin akong dinadalang mabigat sa aking puso
Mga alinlangan ko'y isinabay ko na sa hangin
Sapagkat iyon ang makabubuti sa akin

Dito ko na tatapusin ang tulang ito,
Saan ka man naroron, sana ako'y iyong patawarin
Ihahatid na lang ng ihip ng hangin ang pagsusumamo ko sayo
Kasabay ng mga katagang, "Paalam, sana ay masaya ka na"

Photo Source:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fw0.peakpx.com%2Fwallpaper%2F197%2F744%2FHD-wallpaper-kousei-kaori-romance-anime-love-manga-drama-spring-couple-thumbnail.jpg&tbnid=AJLeSqS_yU-yKM&vet=1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.peakpx.com%2Fen%2Fhd-wallpaper-desktop-ajvwh&docid=DYPaA59TqbjgaM&w=338&h=238&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F2

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now