"MAMAMAHAYAG: LARAWAN NG KATAPANGAN AT WALANG INUURUNGAN"

1 0 0
                                    

Silang mga nakatira sa bansang demokratiko
Sila ay may karapatang ihayag ang kanilang mga sarili
Sila ay nabubuhay na may prinsipyo
Sila ang mga tagasilbing mapagkukunan ng impormasyon sa nakakarami

Tanging lumalabas sa kanilang mga bibig ay purong katotohanan
Ni wala itong halong kasinungalingan
Mamamahayag sila na may kabuluhan
Sapagakt tapat sila sa kanilang sinumpaan

Walang sinuman ang makakapigil sa kanila
Hangga't may nasasagap silang balita
Kanilang pamamahayag sa bayan ay isang obra maestra
Obra maestra na tinatangkilik ng mga karaniwang tao at dalubhasa

Sila'y tapat na nagseserbisyo
At hindi ito mahihigitan ni isang sentimo
Pagmamahal nila sa bayan ay hindi matatawaran ninuman
Tunay nga silang larawan ng katapangan at walang inuurungan

Photo Source:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fpng.pngtree.com%2Fpng-vector%2F20220517%2Fourmid%2Fpngtree-journalist-hands-with-microphones-png-image_4648461.png&tbnid=067bRIYae5L0YM&vet=1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fpngtree.com%2Fso%2Fjournalist-clipart&docid=YWDRsHzCHtbTxM&w=360&h=360&hl=en&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F2

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now