"HINDI AKO ANG BIDA SA KWENTO NATING DALAWA"

2 0 0
                                    

Sa apat na sulok ng silid-aralan,
Ika'y nag-iisa
Sakit ang iyong naramdaman
Iyan ang nakikita ng dalawa kong mata

Ika'y nakaluhod at umiiyak,
Hinihiling na sana may "KAYO" pa
Para kang ibong sa lupa'y bumagsak
Nilukob ka na ng iyong sobrang kalungkutan

Heto ako't pinagmamasdan ka
Nasasaktan ako sa iyong pinanggagawa
Sayang naramdaman no'ng kasama mo siya,
Ngayon ay wala na

Saksi ang mga upuan sa paaralan na mahal kita
Ngunit hindi mo iyon maramdaman
Atensyon at pagmamahal, binigay mo na sa kanya
Pero heto ka, nagdurusa ngayon at iniwang luhaan

Nandoon ako noong wala kang matatakbuhan
Nandoon ako noong wala kang mapagsasabihan ng iyong problema
Nandoon ako noong kailangan mo ng masasandalan
Pero siya pa rin ang nilalaman ng puso mo

Ang sakit sakit sa dibdib na para bang dinaganan ako ng mesa
Ako'y umasa sa wala
Nagmamahal ka sa taong iniwan ka na
Nagmamahal ka sa taong hindi na babalik pa

Ang hirap mong mahalin!
Hindi nga yata tayo para sa isa't-isa
"Paalam na, aking mahal," bulong ko sa hangin
Kwento nating dalawa, ngayon ay tapos na!

Photo Source:

https://images.app.goo.gl/XD2XRobSp5EUMvYKA



Rham's PoemsWhere stories live. Discover now