PUSONG NASAWI

4 0 0
                                    

I
Kay lupit nga ng kapalaran
Akala ko tayo para rin hanggang sa dulo
Akala ko ba pag-ibig mo sa akin ay walang hangganan
Sasaktan mo lang pala ako
-----
II
Minahal kita, alam mo iyan
Ibinigay ko na ang lahat sa iyo
Ang daya daya mo, bakit mo ako iniwan?
Matanong ko lang sayo, naging sapat ba ako?
------
III
Bakit ka lumisan ng wala man lang paalam?
Nangungulila ang sugatan kong puso sa iyong pagkawala
Ang pagkawala mo ay labis kong dinamdam
Pero alam ko, hindi sa akin ang may problema kundi sayo!
------
IV
Akala ko ba tayo'y magsasabay sa ating nasimulang biyahe
Ngunit pinaramdam mo sa akin ang libo-libong boltahe ng kuryente
Kuryenteng pumatay sa aking puso
Puso kong sugatan na para bang nilalatigo
-------
V
Ikaw ba ay masaya dahil nahihirapan ako?
Halos lunurin ako ng aking kalungkutan
Kalungkutan na aking nadarama nang wala ka na sa piling ko
Kasabay ng pag-ihip ng hangin sa ating mga naging karanasan
-------
VI
Pinaramdam mo sa akin na para bang ako'y patapon
Na tila ba nalunod ako sa karagatan na kay hirap makaahon
Sa pagdating ng umaga halos pakiramdam ko ako ay niyuyugyog
At sa pagsapit ng gabi na halos di ako makatulog
-------
VII
Sana ay hindi na lang kita nakilala
Magdudulot ka lang pala sa akin ng masama
Pinagsisihan ko na bakit nakasama pa kita
Ikaw lang pala ang magdadala sa akin ng pasakit, aking sinta
------
VIII
Hindi ko alam kung babalik pa ba sa dati ang lahat
Gayong nag-iwan ka sa akin ng malaking lamat
Lamat na nagmarka sa aking puso
Pusong nasawi na halos ikasira ng buo kong pagkatao

Photo Source:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwallpapers.com%2Fimages%2Fhd%2Fminimalist-broken-heart-silhouette-fzvwix2dlnkpcfuj.jpg&tbnid=6jq8MPqZGvy3bM&vet=1&imgrefurl=https%3A%2F%2Ftnhelearning.edu.vn%2Fbroken-heart-wallpaper%2F&docid=HaZgnq3t2C8J-M&w=1920&h=1483&itg=1&hl=en&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F2

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now