AKO'Y MAKATA, AKO'Y ALAGAD NG SINING

1 0 0
                                    

I
(A)ko'y isang Pilipino
Nanana(L)aytay sa aking dugo ang pagiging isang makata
Narito (A)ko sa bansang demokratiko
Kun(G) saan malaya mong ipahayag ang iyong mga saloobin sa nakakarami

II
Ang pagsusulat ko ng tul(A) ay aking nagsisilbing ekspresyon
Ito'y produkto lamang ng aking mga imahinasyon
Nahahaluan (D)in ito ng mga totoong buhay ng hindi ko sinasadya
Sapagkat ang aki(N)g mga kamay ay magaling magmaneobra

III
Talas ng pag-iisip ang akin(G) sandigan
Pluma't papel ang aking mga kagamitan
Mga piling (S)alita't idyoma ang aking kinakapitan
Dugo't paw(I)s ang aking naging puhunan

IV
Kay rami(N)g tula na ang aking nagawa
Ngunit hinding-hind(I) ako mapapagod sa pagsusulat ng aking mga akda
Ha(N)gga't ako'y may hininga,
(G)agampanan ko ang tungkulin ko bilang isang alagad ng sining sa ating bansa

Photo Source:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fenglishandamericanlitjam.files.wordpress.com%2F2017%2F10%2Fenglish_header.jpg%3Fw%3D1180%26h%3D435%26crop%3D1&tbnid=UgbvN7ek3RjWjM&vet=1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fenglishandamericanlitjam.wordpress.com%2Fabout%2F&docid=UzinFsJgu3eMOM&w=1180&h=435&itg=1&hl=en&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F2

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now