"KABABAIHAN: SABAY-SABAY MAGLALAKBAY SA AGOS NG BUHAY"

3 0 0
                                    

Libo-libong tao ang nakatira dito sa mundo
Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon, sila'y pinagtagpo
Pinagtagpo para sa isang layunin
At pinag-iisa tungo sa isang hangarin

Turingan nila sa isa't isa ay isang pamilya
Problema ng isa ay problema rin ng lahat
Walang makakatinag sa atin sapagkat tayo'y nagkakaisa
Sa lahat ng oras, tayo'y nagtutulungan

Handa nilangdamayan ang isang kaibigan
Kung ito man ay nakakaranas ng kalungkutan
Kasama mo sila sa iyong kasiyahan
Itaga mo ito sa bato palagi na hinding-hindi sila nang-iiwan

Sila'y magkakaputol ang pusod
Hindi man sa dugo ngunit ramdam ng puso
Patuloy silang gagawa ng bakod
Bakod na sintatag ng bakal na hindi mawawasak ninuman

Tunay nga silang larawan ng mga huwarang kababaihan
Sapagkat hinding-hindi sila papatalo sa mga kalalakihan
Ihahayag nila ang isang deklarasyon
At isusulong nila ng buong tapang ang isang pederasyon

Sabay-sabay silang maglalakbay
Taas noo silang makikipagsabayan sa agos ng buhay
Haharapin nila ang bagong umaga
Tungo sa bagong pag-asa

Photo Source:

https://images.app.goo.gl/NNraYhqTj4j4xnZY7

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now