"MUKHA NG PAG-IBIG"

0 0 0
                                    

Sabi nila, ang pag-ibig ay bulag
Handa mong tanggapin kung ano o sino man siya
Sadyang ang hirap ipaliwanag
Pero ikaw lang siyang tanging sinisinta

Sabi ko naman, ang pag-ibig ay hindi isang cellphone
Kung ito'y masisira, siya mong itatapon
Hindi ibig sabihin na pinaglumaan mo na
Pababayaan mo na lang siya

Naniniwala ako na ang pag-ibig ay isang kumot sa gabing malamig
Pakiramdam mo ika'y binabalot ng sobrang kasiyahan
Bigla na lang tumigil sa pag-ikot ang daigdig
Kasabay ng kanyang pagyakap sayo ng pangmatagalan

Oh pag-ibig, ikaw ba'y isang bulalakaw?
Puso niya'y iyong pinukaw
Sa pagkahaba-habang panahon ng pagkakahimlay
Abutan man ng ilang taon, pagbabalik mo ang siyang aking hinihintay

Sa pakiwari ko ang pag-ibig ay isang bahaghari
Gaano man kakapal ang ulap sa langit,
Dala mo'y kasiyahan na sanhi ng pagguhit ng mga ngiti sa kanyang labi
Binigyan mo rin ng kulay ang kanyang buhay na kay lupit

Anuman ang maging mukha ng pag-ibig na ating nakikita sa ating mundo,
Hindi pa rin madidiktahan ng ating mga puso kung sino man ang ating iibigin
Tadhana ang siyang tanging maglalapit sa inyo
Hindi man ito ramdam ng ating isip , ramdam naman ito ng ating damdamin

Photo Source:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Frukminim2.flixcart.com%2Fimage%2F850%2F1000%2Fk5r2mq80%2Fposter%2Fd%2F7%2Fg%2Flarge-love-couple-sitting-on-chair-quotes-premium-poster-for-original-imafkevct8gf6ndn.jpeg%3Fq%3D90&tbnid=6t5FFakGEL8XcM&vet=1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.flipkart.com%2Flove-couple-sitting-chair-moon-quotes-wall-poster-romantic-poster-moon-poster-paper-print%2Fp%2Fitm838ecd49dfa01&docid=0imgYsCiM2GAiM&w=850&h=553&itg=1&hl=en&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F2

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now