HINDI TUTUMBA ANG BANDERANG BAHAGHARI

4 0 0
                                    

I
Nabubuhay silang taliwas sa inyong paniniwala,
Hindi naman nila iyon ipagkakaila
Saksi ang buong mundo sa mga natatanggap nilang masasakit na salita
Sadyang makikitid lamang ang utak ng iba at hindi sila sanay sa kanilang nakikita

II
Mga dila nila ay tila ba isang baril na nakatutok sayo
Mga mata nila ay tila ba isang kutsilyo
Mga kilay nila ay tila ba isang arkong nagsisitaasan
Isang sakit, iyan ang kanilang pinaniniwalaan sa kanilang kalagayan

III
Bawat kilos nila ay kanilang sinusubaybayan
Bawat salita nila ay kanilang pinipintasan
Bawat makasalubong nila, sila'y pinagtitinginan
Bawat makasalamuha nila, tingin sa kanila'y salot sa lipunan

IV
Mga mapupulang labi na para bang rosas na pinintahan gamit ang lipstick
Mga malalambot na kamay na para bang bulak na pumipilantik
Mga kurbang kilay na para bang alon na bumababa at pumapaitaas
Mga makukulay na wig na sinusuot nila na para bang bahaghari na kanilang nilalandas

V
Sila ay mga pusong mamon
Kabilang sa isang pederasyon
Pederasyong may adhikain
Adhikaing mamuhay ng masaya at mapayapa na naaayon sa kanilang damdamin

VI
Iyan lamang ang kanilang kahilingan
Ngunit hindi niyo mapagbigyan
Sadya bang ang hirap nilang tanggapin sa isang lipunan?
Hindi ba pwede na magsama-sama tayo sa isang pamayanan?

VII
Pisikal na anyo lang ang naiba sa kanila,
Pero kung ituring niyo ay parang ang laki-laki ng kasalanan na kanilang ginawa
Sa mata ng karamihan, ito ay isang pagkakamali
Ngunit nagpapakatotoo lamang sila sa kanilang sarili

VIII
Bakla man sila sa inyong paningin,
Huwag niyo silang maliitin
Itaga niyo ito sa bato, hindi lang sila basta bakla lang
Sapagkat sila ay kapaki-pakinabang

IX
Hiling nila sa inyo ay pagrespeto
Kung hindi niyo sila marespeto bilang iba sila sa inyo
Respetuhin niyo sila bilang isang tao
Isang taong nagpapakatotoo!

X
Nasisid na nila ang buong karagatan
Nalibot na rin nila ang buong kalawakan
Banderang bahaghari ay nakawagayway pa rin sa kalangitan
Umaasa silang hinding-hindi ito tutumba sapagkat ang banderang bahaghari ay nagsisilbing pundasyon ng sangkabaklaan

Photo Source:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fd7hftxdivxxvm.cloudfront.net%2F%3Fquality%3D80%26resize_to%3Dwidth%26src%3Dhttps%253A%252F%252Fartsy-media-uploads.s3.amazonaws.com%252Fpj3o231MA6ygMyYxAOT_EQ%25252F1024px-Rainbow_flag_breeze%252Bcopy.jpg%26width%3D910&tbnid=d_pyigrPSsBEfM&vet=1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.artsy.net%2Farticle%2Fartsy-editorial-rainbow-flag-universal-symbol-gay-rights&docid=nCAaH_YcbSYcBM&w=910&h=607&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F2

Rham's PoemsWhere stories live. Discover now