Molly's POV
Ang bilis talaga ng panahon. Akalain mong walong taon na pala mula ng umalis ako sa Pilipinas.
And now I'm back to this place again. Kung hindi lang dahil sa kasal ng Bestfriend ko na si Zack, Baka hindi na talaga ako makakauwi."Molly!!" Napalingon ako sa direksyon ng pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Umaliwalas agad ang mukha ko ng makita ang Bestfriend ko na masayang tumatakbo papunta sa direksyon ko.
Napangiti ako ng Niyakap niya kami ng mahigpit.
"Kamusta ang byahe?" Tanong ni Zack ng kumalas na siya sa pagkakayakap.
"Nakakapagod. Alam mo na. Mahaba ang byahe eh." Sagot ko.
Binalingan naman niya si Asher na karga ko. "Si Asher na ba ito? Grabe! Ang bilis ng panahon. He's so big already." Aniya habang nakangiting nakatingin kay Asher.
"Mukhang pagod na pagod talaga si Asher ah." Tiningnan ko rin ang karga anak kong na payapang natutulog . Napangiti nalang ako at parang nawalang bigla ang pagod na nararamdaman ko.
Pero napawi ang masayang ngiti ko at napalitan ng kalungkutan. "Yes. He's very tired. Sinumpong nanaman eh. I just went to the bathroom, nagwala na agad. Namroblema tuloy yung isang stewardess na Pinakiusapan kong magbantay saglit. Mabuti nalang at màhaba ang pasensya nung stewardess." My baby doesn't go well with strangers. Sa akin lang siya nagpapahawak at sa mga piling tao.
Natawa nalang si Zack sa sinabe ko. Pati kasi siya, inaayawan ni Asher. Asher is very choosy. Manang mana sa pinagmanahan. Ang arte.
"Pero hindi ka ba nahihirapang kargahin siya? He's too big for you already." Tanong niya. He grabbed the luggage from me and then we started walking towards the exit.
"Yes. He's very heavy already. Pero ayos lang sa akin. Kaya ko pa naman." Sabi ko na may ngiti sa labi.
Dinala kami ni Zack sa mansion ng mga magulang niya since yun ang gusto ng mommy niya na dun muna kami ni Asher hanggat nasa Pilipinas pa kami. His mom treats me like a real daughter since wala naman daw itong anak na babae.
Super close pati kami ni Tita Cecile dahil mula ng Bata pa ako, lage na niya akong hinihiram sa mom ko dahil ako yung pinagdidiskitahan niyang gawing model sa mga designs niya. So yun nga.
Pagdating namin sa mansion ay sinalubong agad kami ni Tita Ces at niyakap ng Sobrang higpit.
Binigay ko muna saglit kay Zack si Asher kasi nangawit na ako.
Napatawa nalang sina Zack at ang daddy niya na si Tito Zeus kay tita ces.
"Mabuti naman at naisipan mong umuwi iha. Naku. Miss na miss ko na ang pinakapaborito kong anak." Sabi ni Tita at sabay akong pinugpog ng halik sa pisngi.
"Hon. Pagpahingahin mo naman yang si Molly." Saway ni Tito Kay Tita na wala paring patid sa kakahalik sa pisngi ko.
"Hay sige na nga. Nasaan na ang apo ko ng mahalikan ko na rin." Hinanap ng mga Mata ni Tita ang anak ko. Ng makita niyang karga ni Zack ay lumapit siya kay Zack at maingat na hinalikan si Asher. Alam kasi ni Tita na kapag naudlot ang tulog ni Asher ay magwawala ito.
"Akin na Zack."inilahad ko ang dalawang kamay. Maingat namang ibinigay sa akin ni Zack si Asher.
"Dadalhin ko lang po sa kwarto si Asher." Paalam ko sa kanila.
"Sige iha. Dun parin naman ang kwarto mo sa dati." Aniya na ang tinutukoy ay ang lagi kong tinutulugan kapag hinihiram niya ako kay mommy.
Pagdating sa kwarto ay maingat kong inilapag ang natutulog na si Asher sa Kama. Mahirap na. Baka magwala pag nagising.
BINABASA MO ANG
CHAINS
General FictionAll Molly ever wanted was to live a normal life with her son, Asher. Away from the chaos and violence of her son's father. If she has a choice, ilalayo niya ang anak sa ama nito. But how could she if she doesn't have the means to even escape his cla...