Halos ayaw nang humiwalay sa akin ni Asher nang dumami na ang tao. He hates it when there's too many people in one place. He gets really really nasty sometimes kapag inis na inis na siya sa sobrang dami ng tao. He hates crowds. And i really hope he won't throw any tantrums today.
Hindi nakaligtas sa akin ang paglingon ng ibang tao kapag nakikita ang anak ko. I just shrugged it off dahil normal nadin namang makakuha ng atensyon ang anak ko.
I could feel the tight grip of Asher on my hand. He looks tensed as usual. He really really hates it when there's too many people around.
Nagsidatingan na kasi ang ibang mga bisita na sa mansyon muna pinatuloy nina Zack. Garden wedding kasi ang theme at sa Hardin ng mansyon gaganapin ang kasal ng dalawa.
Madami akong hindi kakilala sa mga bisita. Siguro ay sa side ni Carla.
Speaking of carla, hindi ko pa talaga ito nakikita sa personal.
Oh well! Magkikita naman kami nun at the wedding."Mum, I'm hungry."
"Oh I'm sorry baby. Come on. Let's get you something to eat." Hinila ko siya papunta sa buffet table. Kumuha ako ng isang pinggan dahil wala naman akong planong kumain. I'm still full dahil late na akong nag almusal kanina.
Sa dami ng bisita ay ginawa nalang na buffet style para kanya kanyang kuha nalang. Punong puno talaga ang mansyon. Ang sabi ni tita ay dadami pa ang bisita.
Mabuti nalang ay sobrang lawak ng garden nina tita.Well, expected na iyon dahil si Zack ang mayor ng bayan ng Santo Domingo. I'm Sure na pati si Governor ay dadalo.
"Mum, I want that." Turo ni Asher sa lumpia. Nakatitig lang siya dun. Gumagana na naman ang pagiging curious niya sa pagkain. Kabaliktaran ko na masyadong maarte sa pagkain. I kinda prefer eating healthy foods now. I became conscious about my health when i got pregnant with Asher. Lalo na nung nagbi-breastfeed ako.
Kumuha ako ng tatlong piraso at inilagay iyon sa pinggan niya. May ibang putahe pang tinuro si Asher pero hindi ko kinuha lahat. I don't want to waste food.
I'm sure hindi niya mauubos yun kung lahat ng tinuro niya ay ilalagay ko sa pinggan niya.Naghanap ako ng pwede naming mapwestuhan at mabuti nalang talaga ay may bakante pang mesa kaya dun ako umupo kasama si Asher. Nagsimula na siyang kumain nang makaupo kami.
But unfortunately, iisa lang din naman yung kinuha niya sa pinggan. Yung lumpia. Never pang nakatikim si Asher nito kaya kung magustuhan man niya ito, tiyak na kasama na ito sa mga list na ipapaluto niya sa akin.
He took a bite and I watched his reaction. Hindi naman niya niluwa iyon kaya sure ako na nasarapan siya.
At dahil yung lumpia lang naman yung kinain niya, napilitan akong kainin yung pagkain na kinuha ko kanina lang. Mabuti nalang talaga Hindi ko kinuha lahat ng tinuro niya.
Kadamihan sa nakahain ngayon ay puro Filipino dishes and desserts kaya hindi ako nanibago sa panlasa. Medyo na enjoy ko naman ang pagkain.
"Molly? Ikaw ba yan?" Napatigil ako sa pagkain at nilingon naman ang taong tumawag sa akin.
Tumambad sa akin ang isang maganda at matangkad na babae. Nakangiti siya sa akin. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.
"Ikaw nga. Nakabalik ka na pala?" Lumapad ang Ngiti niya. Ngumiti narin ako sa kanya kahit hindi ko pa matandaan kung sino siya. I don't want to be rude.
"Ahm.... And you are?" Tanong ko sa kanya. Pilit kong inaalala kung saan at kailan ko siya nakita. She really looks familiar. Kaso hindi ko talaga maalala.
BINABASA MO ANG
CHAINS
General FictionAll Molly ever wanted was to live a normal life with her son, Asher. Away from the chaos and violence of her son's father. If she has a choice, ilalayo niya ang anak sa ama nito. But how could she if she doesn't have the means to even escape his cla...