Chapter 9

118 1 0
                                    


Sumulyap ako sa wrist watch ko para icheck ang oras.

20 minutes nalang ay papasukin na kami sa loob ng eroplano.

Aalis na kami pabalik sa London.

I called Andrea last night after the dinner and told her kung anu ang nangyari sa interview. I told her na binastos ako ni Blaine, which is true by the way, kaya naintindihan naman niya.

And she also found out about my past with Blaine kaya humingi din siya ng pasensya for sending me there.

Wala naman sanang problema yung pagpunta ko dun. Kung hindi lang talaga sana nagpakagago si Blaine and if he only set aside his anger towards me for just a couple of minutes,  edi naging maayos sana ang lahat.

But no. He just have to be an asshole.

And why is he so angry anyway? Dahil ba naapakan ko ang ego niya dahil ako yung naunang nakipag break?

Aba kung ganun nga, edi gago nga talaga siya.

"Mummy I need to go to the loo." Ani Asher.
Hinihila niya ang suot na t-shirt ko.

Tumingin ulit ako sa relo ko.

May time pa naman.

"Wait a second baby." Inaayos ko muna ang dalawang maleta namin. I made sure na nakalock ang mga   'yon.   
Tumingin ako sa katabi kong pasahero na isang matandang babae.

"Ah... ma'am, pwede po bang pakitingnan po muna itong mga gamit namin. Saglit lang po." Pakiusap ko sa matandang babae.

Ngumiti naman si lola. "Sige miss. Ako na bahala dito."

Nagpasalamat muna ako sa kanya bago iginiya na si Asher papunta sa cr.
Loo is actually the british word for comfort room or bathroom.

Dinala ko siya sa pamababaing cr dahil hindi naman ako pwedeng pumasok sa panlalaki noh.

Hinayaan ko nalang si Asher na umihing mag isa sa isang cubicle. He doesn't need my help naman eh.

I fished for my phone inside my bag. When I got it, I saw 3 missed calls from Elliott.

Nagtaka naman ako. She knows I'm leaving today so why did she call? May nakalimutan ba siyang sabihin sa akin.

I dialed her number and after 3 rings ay sinagot niya.

"Thank God you called!" She sounds frustrated and irritated.

"What's wrong? May problema ka ba?" Tanong ko. Nakaharap ako sa cubicle kung saan pumasok si Asher.

"Mum! There's no tissue!!" Sigaw ni Asher.

Nagpopo siguro siya.

"Wait lang El." Hinagilap ko ang bag ko at tiningnan kung may dala akong tissue.  Mabuti nalang  ay may wipes ako.

"Baby, open up." I heard a click so I immediately opened the door.

Inabot ko Kay Asher ang wipes at lumabas agad.

"Hello? You still there? " tanong ko.

"Yeah."
"So what's wrong?  What happened?" Tanong ko ulit.

"We have a problem!" Aniya.

I heard the sound of flushing kaya napalingon ako. Bumukas ang pinto at lumabas mula duon si Asher. Dala dala niya ang wipes. Dumeretso siya sa lababo at naghugas ng kamay. After that ay lumapit na ulit siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng iabot niya sa akin ang wipes.

"Come on?" Inilahad ko ang kanang kamay ko kay Asher at mabilis naman niyang tinanggap ang kamay ko.

Naglakad na kami pabalik sa pwesto namin kanina.

CHAINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon