Halos hindi na maipinta ang mukha ko habang dere deretso kaming pumasok sa loob ng opisina ni Blaine.
Lahat ng nadadaanan namin ay napapatingin at ilag sa amin ni Asher. Oo. Kasama ko si Asher. Hindi siya nagpapaiwan, remember?
Sinalubong kami ng hipon na nakahalukipkip at nakataas pa Ang isang kilay.
"Kanina pa naghihintay si Sir Blaine. " mataray nasabi nito.
"Whatever!" Tinulak ko siya dahil nakaharang siya sa dinadaanan namin. Bastos na kung bastos pero wala ako sa mood magbait baitan at makipagplastikan sa kanya. Hanggang ngayon ay mainit parin ang dugo ko sa kanya at sa amo niyang gago.
"Hey! Bawal ang bata sa loob!"
Hindi ko siya pinakinggan at tuloy tuloy lang sa loob.
Tinulak ko ng malakas ang pinto at walang pakialam na pumasok sa loob.
I know I shouldn't be acting like a bitch right now dahil nasa tabi ko lang si Asher pero hindi ko talaga mapigilan. It's like I have this urge to smash someone's face, particularly HIS face!
Nakakunot noo naman si Blaine na mukhang hindi inaasahan ang ginawa ko. He looked at me with his cold eyes pero bigla namang naningkit ng makitang kasama ko ang anak ko.
"Bakit ipinasok mo dito ang anak mo?" Madiing tanong niya sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay bago iginaya paupo si Asher sa mahabang sofa at pinaupo duon. Asher isn't in the mood too kaya wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid.
"I'm just here to interview you Mr. Cuenca kagaya ng napag usapan. Hindi naman mang gugulo ang anak ko sa trabaho ko." Sabi ko. Nakataas lang ang isang kilay ko.
"Ilabas mo ang batang yan sa opisina ko. A kid does not have a place here. " he glared at me then to Asher..
"No can do Cuenca. Kung saan ako, dun lang din ang anak ko. Kung may problema ka dun, you can cancel this meeting and I'll gladly fly back to London." Hamon ko sa kanya. Alam kong maaring ituloy niya nga ang pagbabanta ko pero mainit na mainit ang ulo ko ngayon kaya wala na akong paki alam.
At alam ng mga kaibigan ko na kapag galit ako ay wala akong sinasanto. And I know Asher felt my anger kaya wala itong imik kanina pa. He knows that it's not good to make me more angry. Kaya nga wala din siya sa mood ngayon eh. Masyasong nakadepende ang mood niya sa akin.
Umigting ang panga niya at talagang mas lalo pang sumama ang tingin niya sa akin.
"So shall we start?" Tanong ko ng wala akong Marinig na salita mula sa kanya. I want this to be done and over with as soon as possible. Ayokong manatili sa lugar kung saan ay hinihinga namin ang iisang hangin.
Umangat ang isang dulo ng labi niya. "I didn't say na ngayon na agad ang interview." He said.
Naningkit pa lalo ang mga mata ko sa sinabe niya. "What?! Pinagloloko mo ba ako Cuenca?" Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko. Napalingon naman sa akin si Asher na nakakunot na ang noo niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko para kalmahin ang sarili ko.
"Tsk tsk. Huminahon ka nga Molly." Tumayo siya at akmang lalapitan ako pero pinigalan ko na agad siya. "Not a step more Cuenca. I'm drawing a line between us. Ayokong may magawa nanaman akong masama sayo."ngumisi ako ng nakakaasar. Umigting naman ang panga niya kaya lalong lumapad ang ngisi ko.
Akma siyang lalapit ulit ng tumayo na si Asher at humarang sa harap ko. He gave him a sharp look.
Hindi ko napigilang mapangiti sa ginawa ng anak ko. He did not say a word pero halatang nabigla si Blaine sa ginawa ng anak ko. Pero saglit lang iyon.
BINABASA MO ANG
CHAINS
General FictionAll Molly ever wanted was to live a normal life with her son, Asher. Away from the chaos and violence of her son's father. If she has a choice, ilalayo niya ang anak sa ama nito. But how could she if she doesn't have the means to even escape his cla...