"Mummy, I don't want to wear this. It's uncomfortable." Reklamo ni Asher sa akin habang Pilit na inaalis ang barong Tagalog na suot niya. Kanina pa siya nagrereklamo sa suot niya at talagang pinipilit hubarin ang barong."Baby, just bear with it OK? After the ceremony, we'll take it off. Just be a good boy for mummy, please?" Pakiusap ko sa anak ko.
I heard him sigh. "OK. I'll be a good boy mum. But I want that brown food I ate yesterday. That's the only thing I like about this place."
Napangiti nalang ako sa kanya. Talagang nagustuhan niya ang lasa ng lumpia.
Nung bata pa ngako, ayaw na ayaw ko yung lasa kasi may gulay. Pero siya ok lang sa kanya."Sure baby. But don't eat too many OK. We don't want to upset your tummy, do we?" Tanong ko habang inayos ulit ang nagulong barong Tagalog niya.
"Yes mummy."
Nagsisimula na ang ceremony ng makarating kami sa garden. Nasa second to the last na bench nalang kami umupo ni Asher dahil nalate na nga kami. May pwesto na Sana kami kaso ay nagtantrums pa si Asher kanina kaya natagalan talaga kami. I just texted Tita Ces para sabihin na Ipa-occupy nalang ang seats namin ni Asher dahil nakakahiya nang umupo dun lalo na ngayong late na kami
The bride and groom are already exchanging their vows when we got there.
Zack really looks happy and contented. Kahit na medyo malayo kami ay nakikita ko parin si Zack na umiiyak.
I'm really happy for my Bestfriend.
At ngayong nakita ko na si Carla ay hindi maipagkakaila na Sobrang ganda niya. She was wiping the tears on Zack's cheeks kahit na umiiyak din siya.
They look lovely together.
Nakafocus lang talaga ako sa bride and groom na halata ang saya sa mga mukha ng mga ito.
Hindi ko napigilan ang ngumiti dahil sa saya para sa kaibigan ko.
"Mummy, weddings are supposed to be happy right?" Biglang tanong ng anak ko. Nakakunot ang noo niya na parang takang taka habang nakatingin sa dalawang ikinakasal.
"Yes baby."
"Then why are they crying ?"
I chuckled when I finally understood what he's trying to say. Akala niya ay malungkot sina Zack dahil umiiyak ang mga ito.
"Baby, they're happy. They call it tears of joy." Paliwanag ko na lalong nagpakunot ng noo niya.
"Then why are they crying when they're happy. You're not supposed to cry when you're happy. You're supposed to smile and laugh.""Sometimes, you end up crying because of happiness ." Ani ko sa kanya na hindi parin naalis ang pagkakunot ng noo niya. Lalo pa ngang kumunot eh.
"I don't understand, mummy. It's so confusing and stupid." I gave him a warning look.
"Sorry mummy." He apologised bago umiwas ng tingin sa akin."Don't think too much about it baby. You're too young to understand it anyway." Sabi ko sa kanya na tumango lang at ibinalik ang tingin sa kasal.
Napapangiti nalang ako dahil sa curiosity ng anak ko.
Oo nga't hindi na siya katulad ng ibang bata na ang Alam gawin ay maglaro ng maglaro pero very observant naman siya. Hindi siya makulitdahil mas prefer niyang tumambay sa isang tabi at manahimik lang na parang Sobrang lalim ng iniisip niya.
Naiintindihan ko naman ang anak ko dahil Alam ko kung bakit naging ganito siya.But How I wish for my son to come back to his usual self. To be like other kids. Gusto kong I-enjoy niya ang pagiging bata. Masaya maging Bata dahil wala kang inaalalang problema sa buhay.
Nalulungkot akong isipin na hindi man lang nararanasan ng anak ko ang saya ng pagiging isang Bata.Nang matapos na ang ceremony ay sunod na ang picture taking.
Una munang nagpapicture ay ang mga magulang ng bride bago ang mga magulang ng groom.
After nun ay ang sumunod ay ang buong family naman ng bride. Ng sa family naman ng groom ay bigla akong tinawag Nina Tita Ces.
Umiiling ako pero bigla nalang may humila sa akin pero bago pa ako madala ng tuluyan sa tabi ni Tita ay sumigaw si Asher.
"Mummy!!!!!!!!!" Lahat ata ng tao ay napalingon sa lakas ng sigaw ni Asher. Galit na galit ang mukha niya na nakatingin sa taong humila sa akin.
"Ahhh!!!" Sinugod niya ang lalaking humila sa akin at pinagsusuntok niya ang paa ng lalaki. "Don't you ever take my mummy away!!!" Sigaw niya habang patuloy parin sa pagsuntok.
Parang may pumiga sa puso ko ng makita na siyang namumula na sa galit. He looks furious but i can also see panic in his eyes. Nag aalalang niyakap ko agad si Asher at kinarga. Ako ang nasasaktan kapag nagkakaganito ang anak ko.
"Shhhh... No one's taking mummy away. Shhh... I'm here baby." Alo ko sa kanya habang hinhimas ang likod niya.
"Sorry Molly." Nilingon ko ang taong bigla nalang nanghatak sa akin.
Nakaramdam ako ng inis dito. He's one of Zack's cousin sa side ni tita Ces."Sa susunod kasi wag kang hila ng hila." Hindi ko napigilang magsungit dito. Ng dahil sa kanya ay nakita ko nanamang nagkakakaganito ang anak ko.
Umiwas naman siya ng tingin sa akin.
Inirapan ko siya bago ay pumunta sa unahan para sa picture taking.
Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin ng ibang tao at ang mga bulung bulungan ng mga nila.
"Sorry po Tita." Hinging paumanhin ko sa kanya.
"It's OK hija. Maliit na bagay lang iyon." Alo sa akin ni Tita at marahan ding hinimas ang likod ni Asher at hinalikan sa noo.Tumingin ako kina Zack at Carla para magpaumanhin din.
"It's OK Molly." May pang unawang sagot ni Carla. Nakangiti siya sa akin kaya medyo gumaan ang loob ko.
Tumingin ako Kay Zack at ngumiti sa kanya. "Ang swerte mong mokong ka. Ang bait ng asawa mo."Ngumisi si Zack na parang proud na proud. "Syempre naman. Hindi ko naman siya sasagutin kong masungit siya eh." Biro niya.
"Ang kapal mo ha. Gusto mong ipaannul ko agad ang kasal natin?" Banta ni Carla kaya na biglang nagpalaki ng mga Mata ni Zack dahil mukhang seryoso si carla sa sinabe.
"Wag naman mahal. Kakakasal palang nga natin eh."
"Tama lang yan sayo anak. Ang Yabang mo talaga. Manang mana ka sa tatay mo." Sabi ni tita sabay pingot sa tainga ni zack.
"Aray mommy."Napatawa nalang kaming lahat. Natanggal lahat ng inis ko dahil sa kanila.
Kung hindi ko lang karga si Asher ay nayakap ko na Sana sina Carla at Zack ng matapos ang turn namin.
Nagpaalam na ako sa kanila na kailangan ko nang ibalik si Asher sa kwarto para bihisan.
Sa Totoo lang ay hindi iyon ang dahilan kung bakit gusto ko nang makaalis sa lugar na iyon. Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang laging may nakatitig sa akin. At Alam ko kung sino iyon. Siguro nga kung talagang nakakamatay ang titig, kanina pa ako patay. Sa talim ng pagkakatingin sa akin, Baka hindi lang ako namatay, Baka pati ang katawan ko ay nag evaporate na.
Kanina ko pa siya nakita na talagang masama ang tingin sa akin pero hindi ko na pinansin. Kahit tapunan man lang ng isang tingin ay hindi ko na ginawa dahil para sa akin ay isang estranghero na siya at wala akong pakialam sa kaniya.
Nang makarating kami sa kwarto namin ay binihisan ko na agad si Asher na tahimik na naman Pero parang alisto siya dahil tumitingin tingin siya sa paligid. Parang naparanoid na naman siya.
Napabuntong hininga nalang ako at mahigpit na niyakap ang anak ko. Alam ko kung bakit siya ganito.
At nasasaktan ako kapag nakikitang nagkakaganito ang anak ko.
"Baby, please stop now. No one's gonna take me away anymore." Alo ko sa kanya habang tumutulo ang mga luha sa mga Mata ko. "Don't be like this anymore baby. Mum also gets hurt when you get hurt. I want my happy baby boy back." Sobrang sikip ng dibdib ko. "Please baby ."
****
BINABASA MO ANG
CHAINS
Ficción GeneralAll Molly ever wanted was to live a normal life with her son, Asher. Away from the chaos and violence of her son's father. If she has a choice, ilalayo niya ang anak sa ama nito. But how could she if she doesn't have the means to even escape his cla...