Molly's POV
Pagkatapos ng kasal ay hindi ko na ulit nakita sina Zack at Carla. Pagkatapos kasi ng tantrums ni Asher ay hindi na kami lumabas sa kwarto namin dahil pinakalma ko pa ang anak ko. Hindi ko na tuloy naihatid ang mag asawa sa pag alis nila.
At dahil tapos narin ang kasal ay napagdesisyunan ko na umuwi na pagkabukas kaya nagcheck in nalang kami ni Asher sa isang 5star hotel na malapit lang sa airport. Bagay na bagay ang pangalan nitong 'Grand Mansion'.
Afford ko naman kaya dun nalang kami."Baby, where's your red shirt? I put it in your luggage yesterday." Tanong ko sa anak ko na nakaupo lang sa mahabang sofa at pinapanood ako sa ginagawa ko.
"Ahm.... I think I wore it yesterday but I forgot to put it back. " sagot niya bago humiga sa sofa. "Don't worry mummy. Dad's gonna buy me a new one anyways."
Napahilot ako sa sentido ko. Lumalaki na siyang walang pagpapahalaga sa isang bagay. Sinasanay kasi ng daddy niya na sunod sa luho. Kahit ilang beses ko namang pagsabihan si Ashton na wag masyadong pagbigyan si Asher sa lahat ng gusto niya, wala paring nangyayari. Sa huli ay mag aaway nanaman kami at ako nanaman ang unang susuko dahil masyadong sarado na ang isip nang isang yun.
"Asher, what did I tell you about your things?" Seryosong tanong ko sa kanya habang nakapameywang.
He got up lazily and sat up. "Always take care of my things whether it's expensive or not and no matter how big or small it is.." He recited with a bored look. Humiga ulit siya sa sofa at tumagilid patalikod sa akin.
Napabuntong hininga ako sa frustration. This always happens after his tantrums. Everytime na nagwawala siya ay kinabukasan ay umiiba na ang ugali niya. He becomes indifferent. He acts like a spoiled brat na ang hirap pasunurin.
Sabi naman ng psychologist na kinonsulta ko ay isa daw iyon sa mga defense mechanisms niya. He's Acting out dahil ayaw niyang ipakita ang kahinaan niya. Ayaw niyang ipakita na naging mahina siya sa harap ko kaya nag aakto siyang bad. Napabuntong hininga nanaman ako. Sometimes, he can be really bad.
Inayos ko na ulit ang mga gamit namin dahil bukas na ang alis namin nang biglang tumunog ang cp ko. Kinuha ko agad iyon sa taas ng Kama at tiningnan ang caller. Ang boss ko pala sa London. Sinagot ko agad ito.
"Hello boss?"
"Molly! Are you still in the Philippines?" Tanong ni Andrea. Ang boss ko.
"Ah.. Yeah. Bukas pa ang alis namin." Pinoy nga pala to si Andrea. Kaya kaclose ko siya. She's one of my besties in London."Pwedeng humingi ng favor? Nasa Africa pa kasi si Elliot eh."
"Sure. Ano ba yun?""I need you to interview the CEO of BLX company. I know you're still on leave pero kailangan lang talaga eh. Hindi kasi makaalis si Elliot dun sa Africa dahil nagkaproblema. Tsaka Isa kasi yung CEO na iyun sa mga successful young businessman sa buong mundo. At tsaka one of the hottest bachelors in the world pa. He's very important Molly. He's a very powerful man and everyone is expecting to finally know him. Next month pa naman ilalabas yung feature niya pero ngayon lang tayo nakakuha ng appointment sa kanya eh." Mahabang paliwanag nito.
Kahit hindi na sakop ng area ko ang sa HOT magazine na puro mga successful at hot bachelors lang ang laman ay pwede naman siguro. Tsaka kahit editor ako ay alam ko parin naman kung paanu mag interview.
At dahil narin si Andrea na ang nakiki usap ay makakatanggi pa ba ko?"OK Andrea. Basta ba I extend mo nalang ang leave ko." Sabi ko ng pabiro.
"Oo naman. By the way, si Mr. Blaine Cuenca nga pala ang iinterviewhin mo ha. Sige na. Thank you talaga ha. Bye.!!!".Parang naestatwa ako sa mga sinabe niya. Bigla kong nabitawan ang hawak kong cellphone dahil sa nalaman ko.
SHIT!
BINABASA MO ANG
CHAINS
General FictionAll Molly ever wanted was to live a normal life with her son, Asher. Away from the chaos and violence of her son's father. If she has a choice, ilalayo niya ang anak sa ama nito. But how could she if she doesn't have the means to even escape his cla...