Molly's POV
Parang timang lang akong nakatingin sa harap ng BLX building. Hindi ako makapag decide kung papasok ba ako o aatras nalang. After eight years, ngayon ko lang talaga siya makakaharap sa personal. Oo nga't nakita ko siya sa kasal ni Zack pero iba na ngayon.
"Mummy! Its so hot here!" Reklamo ni Asher na tagaktak na ang pawis sa noo. Mukhang inis na inis na siya dahil Sobrang nakabusangot na mukha niya.
Nakalimutan kong kasama ko nga pala ang anak ko. Asa naman akong magpapaiwan si Asher Kay Tita Ces diba?"Mum!!" Si Asher na mismo ang humila sa akin papasok sa loob.
A basta! Bakit ba nag aalala pa ako sa pagkikita namin.? It's purely business.
Dumiretso muna kami ni Asher sa banyo para mag ayos dahil parang tumakbo kami ni Asher ng ilang milya sa Sobrang pawis.
Pinunasan ko narin ang likod ni Asher na basa ng pawis.
Pagkatapos kong mag ayos ay pumunta na kami ni Asher sa receptionist.
"Hello madam. How may I help you?" Magalang na tanong ng receptionist sa akin.
"I'm here to interview Mr. Cuenca. I'm from the HOT MAGAZINE." pinakita ko sa kanya ang ID ko."Kanina pa po kayo hinihintay ni sir ma'am. Bilisan niyo na po. Sa 39th floor po ang office ni sir." Sabi niya sa akin na mukhang nag aalala para sa akin.
Nagpasalamat muna ako sa receptionist bago sumakay ng elevator. Hila hila ko parin si Asher.
Kumapit naman ng mahigpit si Asher sa akin dahil sa maraming tao.
After a few minutes ay nakarating narin kami sa top floor which is the 39th floor.
Ilang empleyado lang ang nasa floor kahit na Sobrang lapad nito.
In fairness, ang ganda nang floor na ito dahil may receiving area pa.May sumalubong naman sa aking isang seksing babae.
"Are you Miss Elliot Hermosa?" Tanong ng babae habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tsk.
Ang pinaka ayoko sa isang tao ay ang paraan niya ng pagtingin. Tulad ngayon, akala mo ang pangit pangit ko na kung makatingin sa akin ay may pangiwi ngiwi pa ng bibig niya. I hate it. Akala mo naman ang ganda niya. Nadala lang naman ng kapal ng make up.
I'm only wearing my white polo shirt na may mahabang manggas at itim na skinny jeans and white sandals pero mas sexy pa akong tingnan sa kanya na halos lumuwa na ang dalawang dibdib sa Sobrang kulang sa tela ng suot niya.
"No. I'm her replacement. I'm Molly Nieves." Sabi ko sa kanya.
Tinaasan lang ako ng kilay at tumalikod. Bastos na babae.
"Sumunod ka sa akin." Sabi pa ng babae na nauna nang maglakad.
Tahimik naman akong sinundan siya habang hila hila ko ang anak ko.
Nagsitinginan naman sa amin ang mga empleyado at anu pa nga ba ang pag uusapan nila? Eh di ang kagwapuhan lang naman ng anak ko. Wala talagang nakakaligtas sa charms ng anak ko.
I can hear them talk about my son. On how cute he is. Na ang puti puti daw. Parang engkanto daw dahil sa puting buhok.
Napapailing nalang ako sa pinag uusapan ng mga tao. Pwede naman kasing bumulong na hindi malakas.
Tumigil naman ang babae sa tapat ng isang pinto bago kumatok.
"Come in." Isang malamig at baritonong boses ang umalingawngaw sa loob.
It's him. My number one tormentor in the past.
Napalunok ako ng laway ko dahil parang gusto ko nang umatras. Every memory I had with him came flashing back like a movie.
BINABASA MO ANG
CHAINS
General FictionAll Molly ever wanted was to live a normal life with her son, Asher. Away from the chaos and violence of her son's father. If she has a choice, ilalayo niya ang anak sa ama nito. But how could she if she doesn't have the means to even escape his cla...