Chapter 28

48 2 0
                                    

Chapter 28: Maybe. Perhaps. I hope.

Her POV

Sabi nga nila, if he wanted to, he would. Ilang beses kong hinintay kung may gagawin siya pero lagi akong nadi-disappoint. Siguro kasi umasa noong sinabi na pupuntahan niya ako kapag hindi na siya busy.

There were few chances that we could meet again but he didn't take that opportunity to make it possible.

I always consider his situation, but it seems like he really has no intention to prove himself. Na baka... hindi ganoon kalalim 'yung nararamdaman niya para sa akin kasi kung gusto niya talaga ako, gagawa siya ng paraan, para pumunta dito.

"Sinasabi ko lang sayo ang nakikita ko kay Gin. Pinapayagan kitang mag-boyfriend pero hindi ako boto sa kanya ngayon."

Mama said that before our conversation ended while looking at me with concern in her eyes.

Alam kong sasabihin niya iyon sa akin pero hindi ko pa rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I feel confused. Mixed emotions. In between two options.

Should I just let myself go with the flow and just enjoy what's happening to us right now? Or should I already make a decision in order for myself not to get a deep wound? Not to get hurt?

Right now, I don't know what's certain. It keeps on changing. Sometimes, I want to stop and accept the harsh reality, but mostly, I like every time I feel happy because of what happened to me and Gin. I want to feel bored and get used to our situation so I can easily move on from my feelings for him, but some part of me opposes that idea.

Bakit ba kasi bumalik pa siya? Bakit pa kasi nangumusta pa siya? Kung kailan naka-move on na ako oh!

It took many years to move on from him and yet he's going to make me suffer again with my emotions because of his comeback. Ang daya niya.

Mas gugustuhin kong 'yung iba kong naging crush ang magparamdam ulit kaysa sa kanya kasi alam kong hindi ako matatakot ng ganito. He gave me a huge impact in my life. He was my first love. He was the first guy who made me cry. He made me experience being in love. He taught me how to love. I loved everything we did together. I loved reminiscing about our memories.

Ang unfair lang kasi parang madali para sa kanya lahat pero sa akin, sobrang hirap. Sobrang bigat. Sobrang sakit. I don't know if I'm just overreacting but I never felt like this before.

I may still be innocent in relationships and love, but I know in myself that I'm having these kinds of emotions because it was him. Right now, I can say that no one can compare to him. Iba siya. Iba ang tama ko sa kanya. Nakakainis nga.

Ngayon napatunayan ko na ang hirap kalabanin ang totoong nararamdaman, lalo na kung pag-ibig ang kalaban. Paniguradong talo na. Kaya masakit.

Pero parte naman ng pag-ibig ang masaktan. 'Pag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Siguro nga kaya ganito ako kasi sigurista ako. Na hahayaan ko lang ang sarili kong masaktan kung sure ako na siya na nga talaga. Kung sure akong babalik siya sa akin. Kung sure akong mahal na mahal niya ako. Ewan. Hindi ko alam kung bakit ako ganoon.

Sinasabi ko sa sarili ko na kapag pumasok na ako sa isang relasyon, magiging vocal at honest ako sa lahat ng nararamdaman ko sa partner ko. I want to be open to him. I want him to know everything that's going on in my mind. Why? Kasi pag nasabi ko sa kanya 'yon, nandoon 'yung feeling ng fulfillment, like no regret because of those unsaid feelings. Kasi iyon 'yung mas nagpapabigat sa lahat.

Bukod doon, sa tingin ko ay nagiging distraction namin ang isa't-isa. Kahit ganito lang ang sitwasyon namin at wala namang kami, pakiramdam ko, nagiging responsibilidad namin ang isa't-isa kaya may mga pagkakataon na nahihirapan kaming makapag-focus sa pag-aaral namin, lalo na ngayong college pa kaming dalawa.

Alam kong pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mama, kailangan kong gumawa ng desisyon. It's not the question 'should I take the risk or lose the chance?' but rather 'should I let this situation continue or should I stop and make things clear for both of us?'.

That was when I decided to chose the other option. To be true to my feelings and be brave to express it.

***

Me:
Hi.

Ang tagal kong inisip 'to kasi ayokong masira yung kung anong meron tayo. Nagi-guilty na kasi ako. Nagiging cold ako sayo kasi lumalayo na ako. Hindi dahil hindi na kita gusto. Meron pa rin, nandun pa rin yon. Hindi dahil may iba na akong gusto, wala. May na-realize lang talaga ako.

Siguro maiinis ka sa akin ngayon, okay lang naman. If that's what you feel. But I hope we can still maintain the relationship we have. Ayoko lang talagang matapos to na di maayos. Ayoko na pag nagkita tayo, parang hindi natin kilala ang isa't-isa.

Iniisip mo siguro yung dahilan kung bakit bigla akong naging ganito. Na-feel ko kasi na parang wala kang balak na i-improve yung situation natin. Naniniwala ako sa nararamdaman mo sa akin, totoo 'yon. Pero yun kasi yung napapansin at nararamdaman ko. Siguro rin kasi nandun yung chance para mapatunayan mo yung sarili mo pero di mo natake. Pero naiintindihan kita ha? I always consider your situation, na busy ka sa acads at sa life mo. Pero yun nga, sabi ko nga gusto kong maging honest sayo.

Ito na siguro yung last chat ko sayo. Hindi ko alam kung anong iniisip mo o mararamdaman mo after nito pero sana hindi masira yung kung ano man yung meron sa atin ngayon. Siguro if ever man na dumating ulit tayo sa ganitong stage in the future, siguro 'yun na talaga yung tamang pagkakataon.

I'm still hoping to see you again, Gin.

***

Pagkatapos iyong isend sa kanya, napapikit ako at huminga ng malalim, kinakabahan na ewan.

Paano kung nasaktan ko siya? Paano kung may nasabi ako na ikina-offend niya? Sana ay maintindihan niya dahil ayaw kong magalit siya sa akin.

Then after I couple of minutes, I received Gin's reply.

Gin:
Hindi mo man lang ako tinanong

I know, Gin. I was selfish to make such decisions about our situation, which involves our feelings for each other, only by myself. Nasaktan ako doon but I cannot back out now.

Me:
Alam kong selfish ako sa part na 'yan. I'm sorry. Kahit kasi tanungin kita, hindi na mababago ang decision ko

Hirap na hirap akong i-send iyon sa kanya. Mas lalo pa akong nahirapan nang mabasa ang reply niya.

Gin:
Pwede naman kasing hindi nalang lumayo

Hindi ko alam kung paano ko na-reply-an ang sinabi niyang iyon, kung paano nagwakas ng gabing 'yon, at kung paano natapos ang usapan namin.

I'm slowly realizing that I've finally decided to stop whatever's going on between us. It was hard, I wouldn't deny that but at the same time I'm somewhat proud of myself for thinking of ourselves first.

Alam kong darating ang araw na maapektuhan ang pag-aaral amin at kani-kaniyang buhay. I also felt like this is not the right time for us, that we should focus on ourselves more, to be better, to be more mature, to grow, and explore.

I've been waiting for us to meet again. It was my biggest what if. Ngayon na binigyan na kami ng pagkakataon, syempre hindi ko maiwasang magsisi. But I took the risk naman, 'di ba?

Alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin si Gin. May pagmamahal pa rin sa puso ko na para sa lalaki... pero maaaring hindi na rin iyon katulad ng dati.

I used this chance given to us to avoid the feeling of regret from the past but I think this only made me realize that he wasn't the one for me. Pinatunayan lang sa akin na 'yung matagal ko nang hinihintay ay hindi naman pala talaga para sa akin.

Siguro sa ngayon, hindi pa ulit kami pwede. Kapag nagtagpo ulit ang landas naming dalawa, baka doon pwede na. Kung magkita kami man kami pagkalipas ng ilang taon, sana pwede pa.

Siguro. Baka. Sana.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon