Chapter 2

133 5 0
                                    

Chapter 2: Crush

Her POV

It's been three days but I still cannot forget that voice and that exact scenario. There's still a part of me hoping that it was really him... although there's a more possibility that I was just mistaken.

Years after we parted ways right after our Moving Up Ceremony during our Elementary days, I found out that he was back living in his hometown, Zambales. At hanggang ngayon, as far as I know, he's still living his life there. Paano ko nalaman? Kasi palagi ko siyang ini-stalk... noon.

During my Grade 7 days, there's no month I didn't check on him on Facebook. Malala talaga ang naging epekto sa akin ng lalaking 'yon. Natatandaan ko pa, Grade 10 na ako noon ay sini-search ko pa rin ang pangalan niya. Pero minsan nalang. Kapag naaalala ko nalang siya. Like legit.

'Di ba? Apat na taon na ang nakalilipas, hindi ko pa rin siya makalimutan. Minsan nakaka-inis. I wouldn't deny that I was frustrated. Ang unfair na ako lang ang ganito pero siya, parang wala lang lahat ang nangyari dahil sa bilis niyang makalimot.

Pero siguro nga kaya hindi ko magawang maka-move on agad dahil siya ang puppy love ko—my first love. Palagi akong bumabalik sa nakaraan, nagre-reminisce ng mga nangyari sa amin noon. Kaya na rin siguro tandang-tanda ko pa ang mga 'yon hanggang ngayon.

I would say that what happened to us was bittersweet. Although our ending was tragic, I was and still am happy that he existed in my life, and so am I in his. Kahit na nakaraan nalang 'yon.

"Iniisip mo pa rin siya, 'no?"

Mula sa pagkatulala sa natutulog na pusa sa ilalim ng bakanteng lamesang nasa harapan namin ay nailipat ko ang mga mata sa katabi ko. Nasa student longue kami ngayon ni Kaisy dahil mamaya pang 10:30 ang kasunod na klase namin—Rizal Life Works and Writings.

"Grabe talaga ang tama mo dun sa lalaking 'yon." Isang beses siyang napa-iling.

"First love eh." Napakibit-balikat nalang ako.

"Sabagay," tatango-tango niyang saad. "Mahirap talagang kalimutan 'yan."

The side of my lips slightly rose after realization hit me because of what she just said.

It took exactly five years before I finally moved on from my feelings for him. Naka-move on ako pero hindi ako nakalimot. Imposible na atang makalimutan ko siya. He already has a special place in my heart that any man couldn't replace.

Hindi sa pagmamalaki sa sarili pero ang swerte niya. I always wonder if there's also a person who values me like no other person couldn't replace.

"What if..."

Napatingin ako sa kanya nang magsimula siya. Nginisian niya ako dahil alam niyang nakuha niya ang buong atensyon ko sa dalawang salitang binigkas niya.

"Siya nga 'yung nasa Jollibee nung isang araw?" dugtong niya.

My eyes went on air because of thinking. Mas lalo tuloy akong na-curious sa katotohanan. Siya kaya talaga 'yon?

"Huy! Nag-iisip siya!" sabay turo ni Kaisy sa akin gamit ang dalawang hintuturo.

I slightly pouted. Natawa siya at nagkalumbaba. She gave me a face that will make me overthink... or delulu more.

"What if nakita ka niya?" Tumaas ang isang kilay niya. "Pero 'di ka niya nilapitan?"

Nakumpirma ko sa sarili na naipakita ko sa aking mukha ang reaksyon ko sa sinabi niya dahil sa malakas na paghalakhak ng babae. Hindi nalang ako nagsalita.

"Pero ano ba talagang nangyari sa inyo?" She became serious as she looked at me with curiosity in her eyes. "All I know is Gin was your puppy love. Pero bakit? Pa'no kayo nagkakilala? Pa'no ka na-in love sa kanya?"

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon