Chapter 29

44 3 0
                                    

Chapter 29: The Last Letter from Her

His POV

Tinignan ko ang oras sa relong suot ko matapos sabihin ng professor namin na tapos na ang klase ngayong maghapon. Nang makitang abot pa ako sa oras ay agad kong niligpit ang aking gamit.

"Uuwi ka na, Gin?" tanong ng kaibigan kong si Earl.

"May pupuntahan pa 'ko," aniko sabay tayo sakbit ang maliit na messenger sa balikat.

"Saan? Sama," Diego then stood up.

"Baka kay Alysson."

Napabaling ako kay Thomas nang banggitin niya ang pangalan ng babae.

"Akala ko ba hindi na kayo nag-uusap?" baling sa akin ni Diego.

Hindi ko sila sinagot at nauna na sa kanilang lumabas ng cabin. Tuwing napapagtanto kong hindi na kami katulad ng sitwasyon namin dati, nasasaktan ako. Paulit-ulit ko pa ring naalala ang naging huling pag-uusap namin ni Alysson.

Hindi ko maiwasang magtampo sa naging desisyon niya, bukod sa hindi niya man lang ako tinanong. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung anong eksaktong dahilan kung bakit mas pinili niyang tapusin ang kung anong mayroon kami.

Gusto kong bumalik kami sa dati. Gusto kong ibalik siya sa akin. Gusto kong ayusin kung anuman ang naging dahilan kung bakit naging ganito kami ngayon... pero hindi ko pwedeng ipilit ang gusto ko, na piliin niya ako, na manatili siya sa akin.

"Eh ba't hindi mo kasi puntahan sa bahay nila para official na 'yung panliligaw mo? 'Yun din naman ang gusto ni Alysson, 'di ba?"

Hindi ko nagawang sagutin ang sinabi ni Diego habang nabyahe kami, sakay sa jeep.

Malinaw na pinakita ni Alysson sa akin ang kagustuhan niyang puntahan ko siya sa kanila dahil alam kong gusto niyang maging opisyal ang panliligaw ko sa kanya. Pero aaminin ko, may parte sa akin na hindi pa handang gawin iyon.

"Nilandi-landi mo tapos hindi ka naman pala ready mag-commit," Thomas said to me like he already figured out my thoughts.

"Kaya ko..." nakatinging sagot ko sa kanya bago nilipat ang mga mata sa kalsada. "Naiisip ko lang na baka hindi pa niya kaya."

You might call me a jerk for admitting this--maybe I am, but I was already happy with our current situation before. 'Yung update-update lang muna. Usap tungkol sa buhay. 'Yung ganoon. Hindi ko naiisip na i-improve ang kung anong meron kami. Siguro dahil mas inisip ko na may mga bagay na maaring maapektuhan kung papasok man kami sa isang relasyon.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag iyon kay Alysson noong huling oras na magkausap kami. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi magseryoso ng totoo at gawin siyang priority dahil nahihiya ako sa pamilya ko, sa tita ko na nagpapa-aral sa akin. Ayaw ko mang isipin pero alam kong may masasabi at masasabi sila.

Bukod doon, naiisip ko rin ang sitwasyon ni Alysson kapag naging kami. Paano kung maging distraction lang ako sa kanya? Paano kung may pagkakataon na hindi kami okay at maka-apekto iyon sa kanya at sa pag-aaral niya?

Kaya iniisip ko noon na mas okay kung ganito muna ang sitwasyon naming dalawa pero hindi ko na-consider ang iniisip niya, na gusto niya ay opisyal. Siguro nga dahil hindi siya sanay sa ganitong klaseng set-up.

"Hindi alam ni Ma'am na pupunta ka?" tanong ni Earl sa akin nang makarating na kami sa tapat ng gate ng Cefai.

Umiling ako habang tinatanaw ang loob. Hindi ko sigurado kung pwedeng pumasok ang mga outsider kaya nanatili nalang muna kami dito sa may gate na parang mga tanga.

Mga ilang minuti pa ang lumipas nang biglang magturo si Earl, "Ayun si Ma'am oh!"

Agad kong hinanap si Alysson sa gitna nang pagdagsa ng mga lumalabas na estudyante. Natigilan ako nang mahuli siya ng mga mata ko, at gaya ng dati, muli kong naramdaman ang kakaibang kilig noong una ko siyang makita.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon