Chapter 30

61 2 0
                                    

Chapter 30: Red String

His POV

At mukhang malakas ako kay Lord dahil nagbago nga ang isip nila na pauwiin ako sa probinsya at patuluyin ng pag-aaral dito sa Lucena.

"Nandito na si Alysson, Gin," balita pa sa akin ng kaibigan kong si Thomas.

Nasabik ako at inaya agad silang bumaba kahit mamaya pa ang start ng flag ceremony ngayong unang araw ng pasukan. Nasa second floor naman ang room namin habang ang Section A ay nasa baba.

Pasikreto kong sinulyapan si Nicolle na nasa hallway at agad na nag-daretso ng tingin nang malampasan namin sila, nagpapapansin na agad sa babae. Alam kong nakita niya ako. Sigurado ako roon kaya sobrang kuryoso ko sa naging reaksyon niya.

"Ang mamatay ng dahil sayo," pagsabay namin sa pagkanta ng choir ng national anthem, kasama roon si Nicolle.

Buong flag ceremony, nakatingin lang ako sa kanya. Pansin ko ang pagiging ilang niya at ang kaba sa mukha habang nasa stage kaya mas lalo akong naaliw.

Sinubukan kong sulatan ulit siya pero nadismaya ako nang hindi niya na ako sinulatan pabalik. May mga araw na nagkakasalubong kami, nagtatamaan ng mga mata tuwing sisilip ako sa room niya at mararamdaman niya namang naroon ako. May araw din na matagal ko siyang nakausap noong turuan ko siyang mag-badminton.

"Sayo ang serve, Alysson," rinig kong sabi nung coach nila sa kanya noong nagpa-practice sila sa court.

Pinanood ko ang pag-serve ni Nicolle gamit ang forehand serve. Nahulog ang shuttle nang hindi niya iyon matamaan. Napatingin siya sa coach niya, nahihiya, at sunod na nilipat ang tingin sa akin na nasa gilid naman nakatayo, bandang likuran ng coach nila. She seemed embarrassed but I only smiled to cheer her up.

Muli siyang nag-serve gamit ang backhand style. Natamaan niya iyon at napalo agad ng coach. Naging maganda ang laro nila lalo na nang magsunod-sunod na smash si Nicolle, ganoon din ang coach nila. Nasa sampung segundo siguro silang ganoon dahil walang natatalo. Natapos lang ang game na 'yon nang mahuli ng salo si Nicolle. Napapalakpak ako sa paghanga sa kanya. Ang galing niya.

Akala ko ay masusundan pa ang mga gano'ng pangyayari, na magiging katulad ulit kami ng dati, na walang nagbago sa amin, ngunit hindi ko alam kung bakit hindi na nangyari.

Hindi na rin ulit kami nagsulatan hanggang sa lumipas ang mga buwan na mas lalo kong naramdaman na iba na nga. Hindi na katulad ng dati. Hanggang sa unti-unti na ring nawala ang pagkasabik kong makita siya araw-araw, 'yung kilig, 'yung saya.

Hanggang sa magka-crush na ako sa ibang babae, si Chanie. Hindi ko inisip 'yung naramdaman ni Nicolle nang ipasabi ko sa mga kaibigan kong hindi ko na siya gusto. Akala ko ay magagalit siya sa akin pero hindi. Hindi nagbago ang pakikitungo niya ngunit alam kong umiiwas na siya.

Posible pala 'yon, ano? 'Yung akala mong natatanging babaeng gugustuhin mo, maaari palang magbago. Pwede palang mawala 'yung nararamdaman mo sa kanya?

Pero alam ko rin na kahit may iba na akong crush nung mga araw na 'yon, may epekto pa rin sa akin ang presensya ni Nicolle, lalo na nung maki-sit in sila sa classroom namin.

Siguro nga mga bata pa talaga kami noon. Normal lang sa akin na magkaganoon. Maguluhan sa nararamdaman.

"Pwede na raw umuwi 'pag nagpasa na ah? Hindi ka pa uuwi, Gin?" tanong ni Ralph sa akin.

"Mamaya," sagot ko at muling sinulyapan si Nicolle na naka-upo, dalawang row ang pagitan mula sa akin.

Nagsi-alisan na ang karamihan sa mga kaklase ko, pati ang mga kaibigan ko, ngunit mas pinili kong manatili muna sa room kahit tapos na ako sa activity namin.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon