Chapter 27

49 3 0
                                    

Chapter 27: Accepting the Truth

Her POV

He greeted me happy birthday but felt sad... unhappy. He greeted me but he almost forgot my day. He greeted me but it was late.

Akala ko, sasaya ako kapag dumating na ang araw na ito dahil ito ang unang beses na mababati mo ako pero sana ay hindi nalang pala nangyari kasi mas nalungkot at na-disappoint lang ako. Sana hindi nalang pala ako nag-expect para hindi ako nao-overwhelm tapos madi-disappoint ng ganito. Masakit eh.

Natapos ang araw na 'yon na hindi ko inakalang ganoon ang mararamdaman ko sa mismong kaarawan. I thought he would make my birthday memorable again, just like when we were in Grade 5, but it turned out the opposite.

I couldn't prevent my emotions from getting affected by the disappointment. Even though I don't want to expect something from him, I couldn't help. Palaging mayroong parte sa akin na umaasa sa ipapakita niya para patunayan ang nararamdaman niya sa akin.

Maybe I'm just overwhelmed by him. Maybe I want to be serious with him. Maybe I'm just rushing things between us. Siguro... Baka... Hindi ko na alam. Nakakalito.

"Kase kahit saan magpunta, hinahanap ko ang 'yong mukha at baka biglang magkita pa tayo!"

I lazily looked at Maica's side while the other girls were laughing at her because of how she sang. My mouth slowly pouted as my chin is resting on my right palm, elbow leaning on the table.

Nandito kami ngayon sa food park, nakatambay at as usual, tinatamad pang umuwi.

"Sa SM, sa Bayan, sa loob ng convention..." Aila sang, changing the original lyrics.

I glanced at her who also glanced at me. Tumawa siya nang makita ako.

"Pagkalipas ng ilang taon, makikita mong walang tinapon!" pagkanta nila, sumasabay sa pinapatunog na kanta.

It was Saan by Maki. Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang lyrics... dahil ang relatable sa part ko.

Siguro kaya nga kaya madalas akong gumagala noon kahit wala naman talaga akong rason para umalis ay dahil iniisip ko na baka bigla ko siyang makasalubong. At nung magkita kami sa convention, mas lalo akong nabuhayan, iniisip na mas malaki na ngayon ang chance na magkita ulit kami.

"Wala na! Ayan na ang sunod ni Madam Kaisy!" rinig kong sabi ni Mei kaya naibalik ko ang atensyon sa kanila.

They were all watching Oliver who suddenly showed up was walking to our table, ready to pick Kaisy up.

"Bal!" Kaisy exclaimed when she saw him.

Nakita ko ang pagtitinginan ng apat na babae, may bahid ng konting inggit sa relasyon mayroon ang kaibigan, habang ako ay pinapanood si Kaisy na salubungin ng yakap ang boyfriend. I smiled and felt envy too. Kailan kaya ako makakaranas ng ganyan?

"Kailan kaya ako susunduin ni ano..."

Napatingin ako kay Maica nang sabihin niya iyon.

"Kiri!" Aila commented.

Natawa kaming tatlo nina Paula at Mei. Ibinalik namin ang atensyon kina Kaisy at Oliver na nag-uusap pa bago muling ibalik ng babae ang tingin sa amin.

"Una na ako, may pupuntahan pa pala kami," paalam niya.

"May date 'yan," si Mei.

Kinindatan siya ni Kaisy sabay ngisi, nang iinggit. Napangisi na rin ako, naiiling, habang sila Maica at Aila ay nagbabangayan na sa tabi. Sinabihan kasi ni Aila si Maica na hindi naman totoo ang relasyon ni Darek kaya na-badtrip ang babae.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon