Chapter 20

41 2 0
                                    

Chapter 20: People Change

Her POV

Josh:
Hi, lovee

Talagang nagulat ako nang tawagin niya akong ganoon. Nanliligaw palang 'yan ah.

Me:
Bakit may endearment? Hahaha

Josh:
Wala lang po hehe, ang sarap kasing itawag sayo 😊

I thought he was just teasing me with that endearment that night but he used it again in our conversation the next day.

Josh:
Busy ka??

Me:
Medyo, may niru-rush kasi
Bakit?

Josh:
I miss you, love
Sige unahin mo na 'yan

I don't know what exactly to feel that time. Nakakakilig pero parang hindi pwede kasi may limitasyon dapat. It's just not that good to see him calling me with that endearment kahit na wala pa naman kami. O baka masyado lang akong makasinauna o tradisyonal? Normal na kasi sa iba ang may tawagan kahit nasa talking stage palang, pero ayaw ko na ganito ang mangyari sa amin. I prefer the old style of talking stage.

"Huy, ate, totoo nga 'yung naririnig kong sabi ni Tita?"

Nilalaro ko ang baby naming pinsan sa stroller nang lapitan ako ni Krisanne, pinsan ko rin sa father side. Nandito kami sa bahay ng tita namin dahil 7th birthday ng isa pa naming pinsan.

"Nag-uusap na ulit kayo ni Gin?" dugtong ng babae.

Tinigil ko ang pagpisil sa matatabang braso ni baby Dani at tuluyan nang hinarap ang pinsan dahil nakuha niya ang atensyon ko.

"Oo," pigil ngiti ko pang sagot.

Napatingin ako sa gilid ko nang kunin ng pinsan namin si baby Dani kaya naiwan kaming dalawa ni Krisanne dito sa kwarto. Nasa labas naman ang mga matatanda.

"Alam mo ba, sumasabay 'yon sa akin dati pauwi para makasilip sa bahay niyo," maya-mayang kwento niya.

"Eh?" I reacted, hindi inaasahan ang narinig.

"Oo, alam kasi n'on na magkapit-bahay lang tayo." Natawa pa siya.

"Alam mo ba kung pa'no niya ako nakilala?" I then asked.

"Ang alam ko, nakita ka raw niya no'n, isang araw, tapos after no'n, palagi ka na niyang inaabangan," she smiled at me meaningfully. "Tinanong niya ako no'n kung pinsan daw ba kita tapos sabi niya ang ganda mo raw."

For the second time, I was stunned after knowing that. I always find the guy's point-of-view amusing. Ang sarap lang sa pakiramdam na marinig ang mga sinasabi ni Krisanne.

"Kumusta kayo ngayon?" she asked.

"Nag-uusap," simpleng sagot ko. Ang hirap i-kwento kasi baka mamaya, mabati.

"May feelings pa siya sayo? Kasi ikaw, halatang may feelings ka pa sa kanya eh."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Gano'n ba kahalata?"

"Oo," she laughed.

I bit my lower lip as I recall our conversation. Masyado ba akong halata tuwing nag-uusap kami?

"Hindi ka nililigawan?"

Naibalik ko ang tingin sa kanya. "Nagtanong siya. Pumayag ako pero sabi ko, magpaalam muna siya kila Mama."

"Nagpaalam na?"

Matagal pa bago ako umiling. "Hindi pa."

"Ang bagal naman niya." She seemed disappointed too, then suddenly, her expression changed, "Ay! Naalala ko pala!"

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon