Last Chapter

77 4 1
                                    

Last Chapter: Never Not

Maganda ang panahon nang lumabas kami ng room matapos ang huling klase ngayong araw. Mahangin at maaliwas, hindi sobrang init kahit na alas tres y media na.

This kind of weather usually brightens up my mood, but this time, it couldn't. Lalo na nang maalala kong wala na nga pala akong sasabihan na labas na ako. Wala na akong iu-update na pauwi na ako. Wala nang magsasabi sa akin na 'ingat ka'. This time, it's different.

Kahit magda-dalawang buwan na ang lumipas noong tapusin ko ang sitwasyon naming dalawa, hindi nawala sa isip ko ang lalaki. Wala pa ring oras na hindi ko sa naaalala.

Ang hirap panindigan ng naging desisyon ko. Gustong-gusto ko siyang kumustahin, kausapin, pero hindi ko magawa dahil ako ang tumapos sa kung anong meron sa amin noon. Hindi dahil ayaw kong babaan ang pride ko, ayaw ko lang na isipin niya na baka pinaglalaruan ko ang nararamdaman niya. Na aalis ako tapos biglang babalik dahil na-miss ko siya.

I was happy that we were given another chance to meet again for almost eight years. I really think it happened for a reason and I badly want to know that reason because even now, I still haven't found the answer to that question. Hanggang ngayon, pala-isipan pa rin sa akin kung bakit hinayaan ng tadhanang magkita ulit kami.

"Oo, 'te. Talagang nilakad ko ang Pacific papuntang SM kasi galit ako sa kanya."

I smiled soundly because of what Kaisy told me about he irritation to her boyfriend last day.

Bigla akong nilapitan ni Maica kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Ate ko!" Tumabi siya sa akin at hinawakan ang braso ko, bahagya iyong niyugyog. "Nandito 'yung Gin mo!"

I was literally stunned. Nandito si Gin? Imposible. Pero kahit na ganoon ang naiisip, kabaliktaran iyon ng ginawa ko. Hinanap ko agad ang lalaki. Nadako ang tingin ko sa may gate ng school namin.

I guess fate is really playing with us when I really saw Gin in front of our school. He was in his black liberty uniform, watching me with his friends beside him.

Shit. Anong ginagawa niya dito?

"Hala, si Gin nga, ate ko!" I heard Kaisy.

"Nakatingin na sayo oh! Hinihintay ka," si Mei.

"Pinuntahan ka ata, sis!" si Aila naman.

"Lapitan mo na, ate!" dagdag pa ni Paula.

I can hear my heart pounding so fast, shocked and stunned while seeing the man I missed the most. He was also staring at me like he was already watching me before I caught him.

I know it's overwhelming my feelings once again and I don't want that to affect my mind. I need to be careful and avoid being impulsive. So, I tried to calm myself and my heart as I took my eyes off him.

"Puntahan ko lang," paalam ko pa sa mga kaibigan ko.

They all nodded, supporting my decision. Pinanood nila akong lapitan ang lalaki at habang ginagawa iyon ay pilit kong kino-kontrol ang sariling ekspresyon.

Unti-unti akong tumigil sa paghakbang nang malapitan si Gin, ilang talampakan ang pagitan namin. He's really here and I finally saw him in person once again. Hiniling ko na sana ay makita ko ulit siya pero bakit ngayon pa kung kailan tapos na?

"Anong... ginagawa niyo dito?" mabagal kong tanong.

"Na..." Saglit niyang iniwas ang tingin sa akin. "...padaan lang."

"Amputa," we heard Diego uttered.

Napatingin ako sa kanya. Nakita ko kung paano siya sintukin ni Thomas. Nginitian naman ako ni Earl.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon