Chapter 16

48 3 0
                                    

Chapter 16: Fragile Heart

Her POV

I remembered he used to call me by my second name. Now it feels different by how he calls my first name. Na parang gusto kong marinig mismo, hindi lang sa chat.

Me:
Bakit?

Josh:
Anong gawa mo?

Me:
Activities

Josh:
Cefai ka pa rin ba nag aaral?

Saglit akong natigilan. Alam niya na doon ako nag-aaral? Paano? Naalala ko ang posts ko sa Facebook account. Pumunta ako doon at binisita iyon. Karamihan sanmga shared post ko ay mula sa school namin. May latest post din ako noong grumaduate ako ng Senior High.

Habang nagi-scroll ay napa-isip ako. In-stalk niya kaya ako? Kasi paano naman niya malalaman 'yon, 'di ba? Wala naman akong binabanggit sa kanya. Bigla kong naalala na hindi pa pala ako nagre-reply sa chat niya.

Me:
Oo, hindi na umalis haha. Malapit din kasi sa bahay

Josh:
Oo nga, walking distance lang

Nagpatuloy ang usapan at tanungan namin nang hindi ko namamalayan ang paglipas oras. Hindi na ako nagugulat tuwing hinahaluan niya iyon ng banat dahil alam kong ganoon na siya kahit tuwing nagsusulatan kami noon.

The conversation was like getting to know each other again. He was attentive which made me forget that he had classes.

Josh:
May boyfriend ka na?

Me:
Syempre
Wala

Josh:
We?
Totoo?

Me:
Mag-aral ka na nga dyan

Josh:
Nasa hallway ako

Nagsend ulit siya ng picture. Kaya tinanong ko kung tapos na ang klase nila. Nag-oo siya at sinabi sa akin ang oras ng sunod nilang klase. Hindi na ako nskapag-reply doon dahil sa mga ginagawa.

Lumipas ang tanghali. Tinapos ko na lahat ng gawain sa bahay, hugasin, pagwawalis at kung ano-ano, para naka-focus nalang ako sa pagre-review sa darating na preliminary exam next week.

Patapos na ako sa pagbabasa sa isang subject nang umilaw ang screen ng phone ko. Akala ko ay si Mama, chat pala galing kay Gin. Binuksan ko ang convo namin.

Josh:
Alysson?

Me:
Yes?

Josh:
Kumain ka na?

Ang bilis ah? Parang kahapon, nangungumusta lang siya. I still type my reply, though.

Me:
Oo

Josh:
Ako din, kanina pa

I suddenly thought of something so I typed my question to answer that thought.

Me:
Bakit ka nga pala biglang nangumusta?

I patiently watched the typing icon beside his profile move.

Josh:
Syempre naisip kita bigla
Ilang araw kaya akong nag-isip kung pano kita iaapproach

My eyes went in the air as a sudden curiosity filled my head. Naisip niya ako bigla? I typed my reply.

You replied to Josh (Syempre naisip...):
All of a sudden?

Josh:
Oo, hindi ka naman papasok sa isip ko kung di mo rin ako iniisip

I rolled my eyes after reading that, lips slightly smiling. He still has this kind of attitude, huh? Bumaba ang tingin ko sa bagong chat niya.

Josh:
Pero totoo, bigla kang pumasok sa isip ko

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon