Chapter 17

55 5 0
                                    

Chapter 17: Unchangeable Feelings

Her POV

Late naman akong nagising kinabukasan since wala naman kaming pasok. I did my usual routine and tasks throughout the day. Noong hapon naman ay nasa terrace ako, gumagawa ulit ng mga gawain sa school. And of course, that was when I was having a conversation with him again.

Josh:
Alam mo, gusto kita makausap pero matagal kang mag-reply, busy ka siguro kaya iniisip ko na baka naabala kita

That message stunned me for a second. Siguro ay na-overwhelm ako dahil wala naman masyadong nagsasabi sa akin na gusto nila akong makausap. Si Gin pa na first love ko.

Me:
Medyo busy nga

Josh:
Busy talaga HAHAHA

Natawa ako nang mabasa iyon. Magre-reply na sana ako nang makita ang dalawang chat pa niya.

Josh:
Pero okay lang
Kausap naman kita ngayon

I can't remember having this feeling because of a guy for a while. Nagkaka-crush naman ako noong high school, kahit last year, pero iba 'yung pakiramdam kapag si Gin na ang usapan. Siguro nga dahil sa nakaraan na meron kami.

Josh:
Siguro nga baka ito na yung oras para sa atin
Hinanda siguro tayo para dito
Almost eight years, diba?

Hindi agad ako nakapag-reply sa chat niyang iyon. It made me deeply think for a minute.

Noong mangumusta siya, nagtaka na agad ako. Anong rason kung bakit bigla siyang nagparamdam? Sa pag-uusap namin, meron sa akin na nagsasabi na baka... baka may feelings pa siya sa akin. Na baka gusto niya pa ako.

Although it looks like I'm assuming something, I still can't help but think of that because that's what I see from his behaviors. Now that he mentioned us, it only helped me confirm my assumption. I still didn't expect that, though.

You replied to Josh (Siguro nga baka...):
Mahirap magsabi ng ganyan

I said that maybe because I was having trust issues. Sa mga napapansin at nababalitaan ko ngayon, parang ang hirap nang maniwala sa mga sinasabi ng tao. Na kapag sinabihan ka ng maganda, pakiramdam mo ay peke lang iyon. May masabi kumbaga.

Kapag nangangako ang isang tao, parang alam mo nang sa huli, hindi naman iyon matutupad. Promises are meant to be broken, like what they say, and sadly, it often happens.

Kaya minsan, ang hirap magkaroon ng trust issue. As much as you want to have a genuine reaction to whatever they are saying, you can't fully feel that since you think they are just faking it.

I read his replies.

Josh:
No, I mean, hindi naman kita minamadali at hindi rin nagmamadali ako, chill lang ako dito.
Gusto ko lang malaman mo na gusto pa rin kita. Hanggang ngayon.
Hindi naman nagbago 'yon.

Mga ilang minuto siguro akong nakatitig sa chat niya, iniisip kung anong ire-reply. Ganito pala ang pakiramdam kapag may umamin sayo.

Siguro, sa ibang babae, madaling mag-decide ng ire-reply mo kapag umamin 'yung lalaking gusto mo o 'yung lalaking walang chance sayo. They can clearly accept it and take the chance to confess, or they can reject them.

Pero sa sitwasyon ko ngayon, kahit na malinaw sa akin na may parte pa rin siya sa puso ko kahit ilang taon na ang lumipas, nahihirapan pa rin ako. Siguro ay dahil may paka-metikuloso ako. What if nao-overwhelm pa ako ngayon at may masabi ako sa kanyang hindi ko kayang mapanindigan, 'di ba?

Me:
Ang tagal kong mag-reply sayo kasi hindi ko alam kung anong sasabihin

Nanatili ang hinlalaking daliri ko sa ere nang i-send iyon. Nakita niya agad iyon. Bumaba ang mga mata ko sa bagong mensahe, ilang sandali matapos niyang mabasa ang chat ko.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon