Chapter 13

60 5 0
                                    

Chapter 13: Ending Without Goodbyes

Her POV

"Kumusta exam mo? Sa tingin mo papasa ka?" bungad ni AJ sa akin nang makalabas ako ng room kung saan ako nag-exam.

Nandito kami sa CEFAI, isang private school na balak naming pasukan, nagkuha ng entrance exam. Malapit na kasi kaming mag-high school kaya ngayon ay inaasikaso na nila Mama ang pagpapa-enroll para doon.

"Mahirap. Sana makapasa pa rin," saad ko.

Miyerkules ngayon kaya naka-absent kaming dalawa kaninang umaga. Bumalik din naman agad kami ng hapon para makahabol sa mga ginawa kanina.

"Ang tahimik ni Gin kanina. Absent ka raw kasi."

Iyon agad ang bungad ng mga kaibigan nila nang dumating kami sa room.

"Akala siguro hindi ka pa rin papasok, ayun um-absent ngayon," si Ralph.

Awkward lang akong ngumiti dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko, bago dumaretso sa upuan. Panay pa rin sila sa panunukso sa akin tungkol sa lalaki habang ako ay iniisip kung totoo bang um-absent nga si Gin kasi akala niya hindi pa ako papasok.

Pumasok pa man din ako ngayong hapon tapos... hindi ko pala siya makikita.

Masaya ako sa sumunod na araw dahil Valentine's Day. Madalas kasi, kapag ganitong mga araw, walang klase o walang pinapagawa ang mga teacher. Akala ko may mas maisasaya pa ang araw na 'yon pero mukhang nadismaya lang ako dahil absent ulit si Gin.

Sayang nga kasi walang klase, mas maraming free time, mas may chance kaming makapag-usap.

Kinabukasan, maaga akong nakarating ng school dahil kailangan daw maaga ang kapatid ko at may practice daw sila ng sayaw. Inintay ko muna sa may court si AJ bago kami umakyat sa Section B.

At dahil medyo maaga pa nga ay naka-lock pa ang classroom. Iniwan na muna namin ang bag sa nakalabas na monoblock at nagpasyang bumili ng makakain sa mga tindahan sa labasan.

Pagbalik namin ay nagtaka kami nang makitang wala na ang bag namin sa pinag-iwanan. Agad akong napatingin sa room at nakitang bukas na iyon.

Pagpasok namin sa loob ay agad nahanap ng mga mata ko si Gin. Nasa unahan sila ni Thomas at nag-uusap. Nang makita nila kaming pumapasok ay unti-unti silang lumapit sa amin.

"Pinasok na namin bag niyo," I heard Thomas.

I gulped as I opened my bag, thinking what should I do with it. Bigla kasi akong nailang.

"Wait lang," paalam ni AJ na ikinagulat ko.

"Ha? Saan ka—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang lumabas na siya. Naramdaman ko ang presenysa ng dalawang lalaki sa gilid ko. May iba pang naroon sa loob pero hindi ko talaga maiwasang kabahan at mailang.

"Bakit ka nga raw pala absent kahapon, Gin?" biglang tanong ni Thomas.

Napatingin ako sa kanila. Naupo si Thomas sa bangko sa may gilid ko. Pumunta naman si Gin sa bakanteng upuan, pangalawa sa unahan ko at naupo sa sandalan niyon.

"Sinong nagtanong?" Gin asked back.

Pakiramdam ko ay pinagtitripan ako ng dalawa kahit na wala naman akong sinasabi.

"Wala lang," ani Thomas sabay sulyap sa akin.

I saw Gin smirked. "May pinuntahan kami nila ate."

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Kung tatayo ba ako, lalabas o gagamitin ang pagkakataong 'to para makapag-usap kami. In the end, I only sat there awkwardly until one of their classmate went to us.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon