Chapter 18

48 3 0
                                    

Chapter 18: Test

Her POV

Maaga kaming na-dismiss ng klase ngayong hapon dahil nagkaroon ng meeting ang mga teacher sa faculty. Sabay-sabay kaming magkakaibigan na lumabas ng room nang magtanong si Maica.

"Oy, sa'n tayo? Uuwi na kayo?"

Nagkatinginan kaming anim, halatang wala pang gustong unuwi. Mabuti nga at walang iniwang pagawa ang nga teacher sa amin. Malapit na rin kasing mag-midterm.

"Tinatamad pa nga ako eh," si Kaisy.

"Ay! Tara sa food park d'yan malapit sa school?" pag-aakit ni Mei.

Pumunta nga kami doon sa food park na malapit sa subdivision namin, sa gilid lang ng school. Dahil na rin sa mainit na panahon ay mas lalo silang naudyok na tumambay muna doon at magpalipas ng oras.

Bumili ng makakain sina Maica, Paula at Aila habang naghanap naman kami ng magandang pwesto nina Mei at Kaisy. Masarap ngang tumambay dito dahil bukod sa maraming pwedeng bilhan ng makakain ay may kasama pa iyong tugtugan. Dahil hapon pa, recorded music lang ang ipinapatugtog nila. Mamaya pa kasing ang live band performance.

"Nag-uusap pa kayo?" tanong sa akin ni Kaisy kaya napunta sa akin ang atensyon ng lima.

Tumango naman ako bilang pagsagot. Doon na ulit sila nagsimulang kumustahin ang tungkol sa aming dalawa. I briefly told them what was happening between Gin and me.

"Improving!" Kaisy exclaimed.

Tinignan naman ako ni Mei. "Hoy, pero, Aly, 'wag ka masyadong magpadala d'yan ha? 'Di ba sabi mo, elementary pa kayo nung huli kayong nagkita? For sure marami nang nagbago d'yan, tsaka sa inyong dalawa."

Tama naman ang sinabi ng babae. Pinipigilan ko rin ang sarili kong ma-overwhelm sa nararamdaman lalo na at alam ko sa sarili kong hiniling ko noon ang mga nangyayari sa amin ngayon.

"Ano bang intensyon niya? Gusto niyang bumalik ulit kayo sa dati?" Maica then asked me.

"Sinabi niyang gusto niya ako," sagot ko.

Kaisy reacted through her facial expression first, "Edi gano'n na rin 'yon."

"Pero hindi ka naman pinipilit?"

Napatingin ako kay Aila.

"May mga lalaki kasing ganyan eh. 'Yung porket may past kayo, 'pag bumalik, parang dapat kayo na agad, wala nang paligiw-ligiw. Mga gago naman at cheater!" she spitted like she was madly angry.

Tinawanan siya ni Paula, "Relax, Aila. Galit ka na naman eh."

"Eh kasi sila eh," nanduro pa siya.

The girls laughed while Maica looked so done with Aila. Natawa nalang din ako bago inumin itong blue lemonade na binili ko kanina.

"What if gawin mo 'yung loyalty test?" Kaisy suddenly said.

"Ah, oo! Nakita ko 'yan sa Tiktok," si Maica naman.

Napatingin ako sa kanya. Loyalty test? Parang narinig ko na 'yon.

Suddenly, they get excited. Dahil doon ay mas lalo nila akong pinush na gawin iyon. Bigla rin naman akong na-curious sa kung anong gagawin ni Gin kaya sumang-ayon na rin ako.

"Sinong magcha-chat?" Kaisy looked at me. "Hindi ako pwede, alam mo naman si Oli."

"Si Pau kaya?" I then looked at Paula. Dati kasi siyang taga-LC High kung saan nag-grade 7 si Gin.

Winasiwas niya agad ang mga kamay kasabay ang pag-iling ng ulo. "Hala, ate, magagalit manliligaw ko."

"Ay, sana all may magagalit," singit ni Maica.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon