Chapter 21

45 4 0
                                    

Chapter 21: Confused

Her POV

Bahagya akong nadismaya nang mag-iisang oras na ang lumipas ay wala pa rin akong natatanggap na reply kay Gin. Binalikan ko ang convo namin at nakitang thirty minutes na itong offline.

"Ano, hindi pa na-reply?" Mama asked while we were eating.

Marahan akong umiling ako, nahihirapang sumagot dahil alam kong ikaka-dismaya niya iyon.

"Hindi ko maramdaman ang pagseseryoso niya sayo."

Gaya nga ng naiisip ko, alam kong disappointed si Mama sa naging akto ni Gin.

"Dati, gusto ko siya sayo, ngayon nag-iba na si Gin. Kung seryoso siya sayo, hindi ganyan ang isasagot niya, magre-reply agad 'yon. At kung gusto ka niyang ligawan talaga, pupunta 'yan dito," she expressed her thoughts to me.

Hindi ako nagsalita dahil alam kong tama siya. Unti-unti kong napagtanto ang mga sinabi niya at ang mga nangyayari sa aming dalawa ni Gin.

"Sinasabihan lang kita dahil 'yun ang nakikita ko, na iba na si Gin. Hindi na siya 'yung katulad nung mga elementary palang kayo."

May punto si Mama. Akala ko noong una, nasa isip ko lang 'yon. Na masyado lang akong nahumaling sa nakaraan namin kaya pinagkukumpara ko ang siya sa Gin na nagustuhan ko noon. Pero napagtanto kong tama ako, na malayo na si Gin sa Gin na nakilala ko noon.

Naalala ko 'yung usapan namin noong isang araw. Tinanong ko siya kung kailan siya pupunta dito sa bahay para magpaalam kila Mama sa panliligaw sa akin. He said that he still need some time, aside from his busy schedule. Although he apologized, I still couldn't help but feel a little disappointed.

Tinignan akong mabuti ni Mama, "Sinabi ko na sayo na kilalanin mo muna ulit 'yan. Ang daming taon na ang lumipas."

Marahan akong napatango, inaalala lahat ng mga sinabi niya. Hindi dahil sa ina ko siya at masunurin akong bata para sundin lahat ng sinabi niya ay hindi ko na iisipin ang side ni Gin. No, I will always consider his side, his reasons.

Sinubukan ko nalang isipin na baka sobrang busy niya lang talaga ngayon kaya hindi pa siya makapunta dito sa bahay. Palagi ko namang iniisip na priority niya ang pag-aaral niya dahil ganoon din ako, pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong maramdaman iyon sa kanya.

Dumaan ang buong gabi na wala akong natanggap na reply sa kanya. Hindi ko nalang ganoon inisip iyon dahil ayokong mas lalong lumaki yung pagkadismaya sa naging akto niya.

"Saan kayo kakain?" Kaisy asked us a minute after our class was dismissed.

"Uuwi ako," sabi ko matapos marinig ang mga sagot ng ibang kaibigan.

"Palagi ka namang pauwi," Kaisy chuckled. "Minsan nga sumabay ka sa amin kumain."

I also chuckled, "Oo, next time."

Nagpaalam na ako sa kanila na sama-sama namang papunta sa eco park, para na ring food park ng school, para mananghalian. Naglalakad ako sa hallway nang makita ang pag-notiff ng chat ni Gin. Pumunta ako sa convo namin at binasa iyon.

Josh:
Good morning po. Sorry late reply na po ulit. Nag-review lang po at medyo sinama rin po ng pakiramdam. Sorry po ulit.

I don't know but it seems like I find his answer lacking. Hindi ko nalang inisip iyon habang nagtitipa ng mensahe.

Me:
Alysson 'to. Okay na pakiramdam mo?

Josh:
Nilalagnat pa rin po pero hindi pwedeng umabsent, exam eh.

He then sent me a photo of him inside their classroom. I only said to take care of his health and a good luck for his exam as my reply. Hindi ko na siya ginambala ng buong araw na 'yon dahil napuno ang utak ko sa mga iniisip.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon