Chapter 15

59 5 0
                                    

Chapter 15: Expectedly Unexpected

Her POV

Hindi ko na mawari kung ilang minuto na akong nakatulala sa screen ng laptop ko, pino-proseso ang nangyayari. Iba't-ibang klase ng gulat ang nararamdaman ko.

I slowly took my phone and finally opened it. Dumaretso ako sa Messenger app at muling natigilan nang makitang siya pa ang una sa home ko.

Josh Gideon
Alysson?? • 5:47 PM

His name and chat are in bold, saying the message is unread. Napatitig ako sa bilog na profile niya. He was wearing a white polo shirt, sunglasses on his eyes, and doing a mirror shot. May maliit na bilog na kulay green sa tabi niyon, sinasabing active siya.

I feel like I'm being OA or having an exaggerated reaction over this unexpected situation but I can't help. Almost eight years na ang nakakalipas tapos ngayon, bigla siyang nangumusta? Anong rason niya? Bigla niya akong naalala? Bakit bigla siyang bumalik?

"Ma," mabagal kong pagtawag kay Mama na nasa upuan, nagce-cellphone.

"Oh?" Saglit niya akong sinulyapan.

From the screen of my phone, I looked at her. "Nag-chat si Gin."

I don't know why I suddenly said that to her, knowing what happened to Gin and I' past because of her. Siguro ay dahil siya lang ang madalas kong pagkwentuhan at dahil sanay na rin akong sinasabi kay Mama ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.

"Si Gin?" pag-uulit niya, mukhang hindi rin makapaniwala.

I then remembered how her and my sister, Cassie, sometimes teased me to Gin. Na paano raw kung isang araw ay magkita ulit kami o bumalik siya, ano raw ang gagawin ko. And that question always makes me wonder what my answer would be. Kasi kahit ako, hindi ko rin malaman kung anong magiging reaksyon ko sa oras na mangyari iyon.

"Anong sabi?" Mama then curiously asked.

Lumapit ako sa kanya at ipinakita ang home ng Messenger app ko, hindi pa kini-click ang chat ni Gin. Nang mabasa iyon ni Mama ay makahulugan niya akong tinignan. Hindi na ako nangangamba na pagsabihan niya o ano dahil alam kong may tiwala na siya sa akin, lalo na ngayon at eighteen na naman ako.

Bumalik ako sa pwesto, iniisip kung bubuksan na ba ang mensahe o mamaya na.

"Mamaya nalang, tapusin ko muna 'to," I whispered to myself, stopping the temptation to open his chat.

Panay ang silip ko sa screen ng phone ko habang tinatapos ang huling activity. Should I reply now? Kasi pakiramdam ko, kaya hindi ako makapag-focus sa ginagawa ay dahil alam kong hindi pa ako nakakapag-reply sa kanya.

In the end, I decided to stop what I was doing for a while and opened his chat. My eyes then went to the words below his profile after our conversation opened.

Josh Gideon
Facebook
You're friends on Facebook

Wait, we're already friends on FB? Bigla akong napaisip. Sa pagkakatanda ko, friends kami sa dati niyang account pero nung huli ko siyang in-stalk, last two years, hindi na siya nagpo-post doon. Naisip ko na baka nagbago na siya ng FB account pero hindi ko na 'yun alam dahil tumigil na ako sa pagi-stalk sa kanya. Kaya ngayon, nagtataka ako kung bakit friends kami. Did I add him or did he?

Sa pag-iisip ay hindi ko namalayang ilang minuto na pala ang lumipas nang ma-seen ko ang chat niya. I slightly panicked because what if he thought I only read his chat and did not reply. Ayaw ko pa man din ng ganoon. Hindi ako mapakali kapag naseen ko na 'yung chat pero hindi ko pa alam ang irereply ko.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon