Chapter 14

49 3 0
                                    

Chapter 14: New Notification

Her POV

There were times I wished to see him again and surprisingly we met again unexpectedly. Natatandaan ko, nabili kami noon sa bayan nang bigla akong tawagin ni Mama.

"Si Gin ba 'yon?" she asked which surprised me.

"Saan?" I excitedly asked.

Sinundan ko ang tinatanaw ni Mama at agad na namataan sa kabilang kalsada si Gin. Iyon lang ang naalala ko. Hindi ko sigurado kung nakita rin ba niya kami pero alam kong hindi kami nakapag-usap o nagkita sa malapitan.

Sunod pang pagkikita namin ay noong namamasyal kami ni Mama sa mall. Naningin si Mama ng damit habang ako ay naglalakad-lakad nang makasalubong ko si Gin. Sa alaala ko, parang nag-slowmo lahat. Iyong pagkakasalubong namin sa isa't-isa. Hindi ko na rin maalala kung anong eksaktong nangyari noong mga oras na 'yon.

The only scenario I can still vividly recall was when I went to our elementary school again to fetch my younger sister and I unexpectedly saw him again.

Papunta ako noon sa dati kong adviser para bumisita nang makita ko si Gin na nakatanaw sa balcony ng Grade 6 building, sa labas ng room nila. Nagulat talaga ako noon at saglit pang natigilan sa paglalakad nang makita ko siya. Sa alaala ko, mas gumwapo siya nung araw na 'yon.

Umakto pa akong parang wala lang nang magkaroon kami ng eye contact at pigil kilig na dumaretso papunta sa dating room ko para bumati kay Maam Jena.

"Ma, nakita ko si Gin," kuwento ko kay Mama habang hinihintay ang paglabas ng kapatid.

"Oo nga. Nakita ko rin. Nakatanaw nga sayo eh," aniya na may konting panunukso.

Tumahimik nalang ako sa isang tabi, kinikilig pa. Naalala ko pa noong mga oras na 'yun, sanabi ko sa sarili ko na sana mag-overtime ang klase ng kapatid ko para maabutan ko pa si Gin pero tulad ng mga naunang pangyayari, hindi ulit kami nagkita ng malapitan o nakapag-usap.

Lumipas ang tatlong taon pero may mga araw na sumasagi pa rin siya sa isip ko. May mga nakilala naman akong ibang lalaki, may mga naging crush din ako at naging ka-MU pero hindi ko talaga alam kung bakit parang walang makatalo sa kanya.

Hindi ko man naisip na gawin siyang standard sa mga nagiging crush ko pero kapag naalala ko siya, iba 'yung kilig na nararamdaman ko.

There were also nights where he became the topic of me and my sister's girl talks. Dahil na rin siguro sa pagka-miss sa kanya kaya detalyado at buo kong kinukwento ang naging istorya naming dalawa sa kapatid ko.

"Ang pangit ko naman no'n. Bakit niya kaya ako nagustuhan?" tanong ko kay Cassie matapos ulit ikwento ang nangyari sa amin noon ni Gin.

"Oo nga, ate. Bakit ka kaya nagustuhan ni Gin, ano?" siya na may halong panlalait pa.

I side-eyed her who was lying beside me but then let a sigh, wondering the answer to my thoughts. While doing that, it only made me realize the genuine and pure feelings he had for me. I found that cute and truly touched my heart.

"Forda win na tayo sa yell! Sure 'yan!"

I almost covered my left ear because of how loud Aila's voice was. Katatapos lang naming mag-perform ng yell sa stage. Ngayon ang unang araw at opening ceremony ng department week namin.

"May blue team pa," saad ko matapos uminom ng tubig.

"Wala, wala 'yan!" kontra niya na may halong paggalaw pa ng kamay.

Napunta ang atensyo namin sa stage nang umakyat doon ang mga magpe-perform ng yell mula sa blue team. We were all focused on their presentation because we are all aware they might be our rival. Alam na kasi naming mas maganda ang yell namin sa Yellow team kanina.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon