Chapter 11

63 5 0
                                    

Chapter 11: I Guess You Changed

Her POV

Sinubukan naming maglaro. Iyong larong kalye lang. Walang rules o ano. Doon ko nasabing magaling nga siya. Madalas namang akong makalaglag ng shuttlecock.

"Okay lang 'yan," he said after noticing my disappointed face. "Nakakaya mo na."

Unti-unting napalitan ng ngiti ang dismayadong mukha. He's now cheering me up! Hindi ko naman maiwasang kiligin. Inisip ko pa nga na sana hindi na matapos 'yon pero saka naman natapos dahil narinig kong parating na si Coach.

"Tapos na kayo?" tanong ni Mama nang lapitan namin siya.

"Opo. Papunta na rin daw po si Coach eh," malamyang sagot ko.

Naramdaman ko naman ang paglapit ni Gin sa amin matapos kunin ang bag niya sa isang tabi. Napatingin si Mama sa kanya.

"Salamat po, Tita," he said.

"Pauwi ka na?"

"Opo."

"Salamat."

Tinignan ko si Mama. Mukha namang sinsiro ang sinabi niya. I secretly smiled. Gin caught it and I unconsciously switched my facial expression into a poker face. Siya na ngayon itong ngumiti.

Nagpaalam ulit siya bago tuluyang umalis. Parang natapos ang kasiyahan ko habang pinapanood siyang maglakad. Hindi man lang ako nakapagpasalamat. Iniwasan ko namang tumingin kay Mama matapos ang ilang segundong pagkawala ng lalaki.

Maya-maya ay bigla siyang kumuha sa bag ng pera. "Ibili mo nga muna ako ng soft drink."

I immediately thought of Gin. Baka hindi pa siya nakakaalis!

"Sige po," mabilis kong saad bago kunin ang barya.

Hindi ko pinahalatang mabilis ang paghakbang ko hanggang sa pagliko. Doon lang ako halos tumakbo dahil alam kong hindi na ako matatanaw ni Mama. Malaki ang ngiti ko nang matanaw pa si Gin, kalalabas lang ng gate.

"Gin!" For the first time, I called his name loudly.

Tumigil siya at napalingon sa akin. Itinago ko ang ngiti habang papunta sa kanya. Talagang hinintay niya ako dahil nang makalapit na ako ay sabay kaming naglakad.

"Thank you pala kanina," nahihiyang saad ko.

"Wala 'yon," he genuinely smiled and suddenly looked away after our eyes met. "Saan ka pala?"

"Dyan sa tindahan," turo ko.

Marahan siyang napatango. "Dito na ako."

Sinundan ko ang tinuro niya. Shortcut iyon papunta sa subdivision na tinitirahan niya. Tumango ako at ngumiti. Kinawayan niya naman ako bago kami maghiwalay ng landas.

"Nakita ko si Gin kanina."

Naituon ko ang buong atensyon kay AJ nang banggitin niya ang pangalan ng lalaki. Isang buwan ang nakakalipas matapos ang Division Meet. Hindi man ako nanalo, masaya pa rin ako dahil sa panibagong experience.

Pagkatapos din ng laban na iyon ay wala na kaming ganoong moment ni Gin. Paminsan-minsan ko nalang din siyang nakikita at hindi pa kami nakakapag-usap. Tanging sulyap na lamang.

"Kasama niya 'yung babae sa section C, 'yung maikli ang buhok."

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko matapos iyong marinig kay AJ. Hindi pa ako sigurado noon kung selos ba ang naramdaman ko... o baka naman aware akong selos iyon, dine-deny ko lang.

Kinabukasan ay iyon ulit ang balitang narinig ko. Noong sumunod na araw ay nakita ko na mismong magkasama ang dalawa noong labasan. Kahit na marami silang magkakasama, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga posibilidad. At habang iniisip 'yon ay parang nasasaktan ako.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon