Chapter 6

62 3 0
                                    

Chapter 6: Cupid

Her POV

"Alysson."

I was busy watching a science film when I heard Sir Bon's voice from behind. Biyernes ngayon ng hapon kaya wala kaming ginagawa kung hindi manood ng pelikula gaya ng nakasanayan sa room namin.

"Po, Sir?" lingon ko.

Bahagya niyang itinaas ang tasang hawa niya. "Pasuyo naman. Makikikuha ako ng mainit na tubig kay Ma'am Mel. Pang-kape ko lang."

Ngumiti siya pagkatapos. May kung ano doon, parang may ibang kahulugan. Hindi ko nalang iyon inisip at tumayo.

"Sige po." Kinuha ko sa kanya ang mug at lumabas ng room.

Nasa labas na ako ng room ng Section B, sa may pasilyo, nang mapagtanto ang kahulugan sa ngiti ni Sir Bon kanina.

"Yes, 'nak?" tawag sa akin ni Ma'am Melina nang mapansin ako.

Hindi ko na natuloy ang iniisip at bahagyang lumapit sa pwesto ng guro. Nakatambay siya sa labas ng pintuan ng front door nila, nagpapa-pedicure. Mukhang wala ring gawa ang mga estudyante niya dahil sa ingay na naririnig ko doon.

"Ma'am, pahingi raw po ng mainit na tubig si Sir Bon."

"Aisel," pagtawag niya sa estudyante niya. "Pakuha nung tasa kay Alysson."

Sumilip ako sa bintana ngunit agad na naibaling ang tingin sa backdoor nang lumabas doon si Gin.

"Ayan na pala si Gin," rinig kong saad ni Ma'am Melina.

Gin looked at me with a small smile on his lips. Kinilig naman agad ako roon, pero syempre, hindi ko pinahalata.

"Lagyan mo ng mainit na tubig 'yang tasa ni Sir," si Ma'am Melina.

"Okay po!" Gin answered attentively.

Inabot sa kanya ang tasa. Mas lumawak ang ngiti niya nang tanggapin iyon.

"Balikan mo nalang, 'nak. Ngayon lang ata nabuksan 'yung dispenser," rinig ko pang saad ni Ma'am.

Tinanggal ko ang tingin sa lalaki at nilingon si Ma'am. Tumango ako. "Sige po, Ma'am. Thank you po!"

Umalis ako roon nang hindi na nilingon pa ang lalaki dahil isang tingin pa siguro ay tutuksuhin na kami ng mga kaklase niyang nakamasid sa amin mula sa loob ng room nila.

Bumalik ako sa room namin at sinabi kay Sir ang nangyari. Sinubukan kong ibalik ang atensyon sa pinapanood pero nahirapan ako. Sa mga oras na 'to, siguro nakatingin ako sa maliit na TV ng section namin pero ang mga nangyari kanina sa aming dalawa ni Gin ang tumatakbo sa isip ko.

"Alysson," rinig kong tawag ulit sa akin ni Sir.

Nilingon ko siya.

"Paabot naman n'yon," saad niya sabay nguso sa may backdoor.

Tumingin ako doon at nakita si Gin na nakatayo, dala ang tasa. May kung ano na naman akong naramdaman. Tumayo ako doon at nilapitan ang lalaki. Mabuti nalang at focus ang mga kaklase ko, kahit si AJ, sa pinapanood kaya hindi nila alam ang nangyayari rito sa likod.

Parang naririnig ko na ang tambol ng dibdib ko nang tuluyan kong malapitan si Gin. Tinignan ko ang tasa at hindi malaman kung saan kukunin dahil mainit iyon at ang kamay niya ay nasa hawakan ng tasa. Dahil sa tensyon, ipinatong ko nalang ang kamay ko kung saan may espasyo, kahit mainit.

"Mainit," I heard him warn me.

Hindi ko iyon inalintana dahil ito ang unang beses na maglapit kami ng ganito, at lalo na nang magdikit ang aming daliri.

Never Not (Playlist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon