P R O L O G U E

704 36 3
                                    







"I used to think that I wasn't wild enough."



---*










Inisang lagok ni Aleya ang laman ng baso nya na ikina-bigla ni Gemini na katabi nya sa bar na agad luminga sa paligid at muli syang hinarap. Takot kasi ito sa Lolo nya kaya ayaw nitong madamay sa kalokohan nya kapag nasa paligid lang ang matandang Zobel. Mabuti nga wala ang tatay nitong ubod ng controlling kaya nakakapag-enjoy pa ito sa birthday ng Lolo nya, yun nga lang napaka-daming pulitiko sa paligid ngayong gabi.










"What the fuck are you doing Aleya Celine?" bulalas nito na napasulyap sa bartender na naiiling sa kanilang dalawa. Sinimangutan nya ang bestfriend nya ng banggitin nito ang buong pangalan nya. Luminga sya sa paligid at may hinahanap pero sa palagay nya ay huli pa darating ang hinihintay nya dahil sa layo ng Hacienda Zobel sa Maynila. Pasimple syang humingi pa sa bartender ng alak habang wala sa kanila ang pansin ni Gemini.










"Calm down, Will you?" natatawang komento nya pero napatingin din sa paligid dahil baka makita sya ng butler nila at isumbong sya sa magulang na abala sa mga bisita nila. Napakadaming tao, ang akala nya malalapit lang na kaibigan ng Abuelo ang invited sa birthday nito. Napailing na lang sya dahil wala naman syang karapatan na magreklamo dahil hindi naman sya ang celebrant. Infairness naman sa mga bisita na grabe ang effort makapunta lang sa kaarawan ng Matandang Zobel, yung iba kasi naka-chopper pa dahil may helipad naman sa hacienda dahil chopper din naman ang ginagamit nilang transportasyon kapag uuwi sila ng family nya.











Muli syang humingi ng alak, kailangan nya ng pampalakas ng loob. Kapag nakita nya si Carlisle mamaya ay aamin na sya ng feelings dito at kung pwedeng mag-date silang dalawa. Ayaw nya ng maraming ligoy at hindi din sya naniniwala na lalaki lang ang pwedeng magfirst-move. Kung sino ang may gusto sya ang gumawa ng way. Siniko sya bigla ni Gemini kaya agad syang napatingin dito.











"Andyan na ang love of my life mo..." ani ng kaibigan, agad nyang sinundan ng tingin ang tinitignan ni Gemini na akmang tatakpan ang mga mata nya para di nya sana makita pero agad nyang iniwas ang sarili. Nakita nyang kasama ni Carlisle ang buong pamilya nito. The First Family, kasi father lang naman nito ang kasalukuyang Presidente ng pilipinas.











"Kaso kasama ata ang love of my life nya." dagdag ni Gemini na nakatitig sa kanya habang sya nakatitig kay Carlisle na busy sa pakikipag-usap sa babaeng kasama nito na hindi pamilyar sa kanya ang mukha. Napansin nya ang kambal nito na ka-department nya sa St. Sebastian na halata ang boredom sa maamong mukha. Famous kasi ito dahil magaling itong kumuha ng pictures at maganda pa.











"Pupunta lang akong comfort room sumama ka muna sakin." si Gemini na tumayo, umiling sya dito. Kahit na gusto nya ng tumakbo palayo doon dahil naiiyak sya pero dahil maraming tao ay di pwede dahil baka may makapansin sa kanya. "Pupunta ko sa clubhouse sumunod kana lang." ani nya sa bestfriend na ilang segundo muna syang tinitigan bago nagpasyang tumango at umalis. Magpapahangin muna sya bago bumalik sa party, ngayon kailangan nya ng pampakalma parang kanina lang ay pampalakas ng loob ang kailangan nya. Sinenyasan nya ang kasambahay nila na nakita nyang naglalakad, pagkatapos itong itusan na ikuha sya ng alak ay naglakad na sya palayo sa malaking garden nila kung saan dinaos ang party.











Alam naman ni Gemini ang pasikot-sikot sa malaking Mansyon at lupa ng mga Zobel kaya di ito maliligaw dahil sumasama ito sa kanya kapag weekend sa hacienda. Pwede ito magpahatid sa mga bodyguard's ng Daddy nya na naka-motor dahil di ito pwede sa kotse.











St.Sebastian Series: Aleya ZobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon