Communication is never hard for someone that actually wants you.---*
Nagising si Aleya dahil sa vibration ng phone na nasa side table na katabi lang ng sofa kaya agad nyang dinampot yun while half asleep. Hindi man lang nagising si Cohen sa paggalaw nya na nakabaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nya habang yakap sya ng mahigpit. Kunot-noong napatingin sya labas ng bintana kaya alam nyang madaling araw pa lang dahil sa blue na langit.
Sinagot nya ang video call ng hindi nya tinitignan kung kaninong phone ang hawak nya. Naniningkit ang mata na tinignan nya kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganitong oras. Pero bumungad sa kanya ang hindi pamilyar na mukha ng lalaki?
"Who are you?" paos ang boses na tanong nya sa lalaking nakatitig lang sa kanya na tila nakakita ng multo. Naramdaman nya ang pag-angat nang mukha ni Cohen na tinignan kung sino ang kausap nya saka natawa nang malakas. Hinalikan nito ang buhok nya saka bumulong. "That's my phone.." namilog ang mata nya sa gulat at tuluyang nawala ang antok sa sistema nya.
"Oh my god.. I'm sorry." akmang ibibigay nya kay Cohen ang cellphone ng magsalita ang nasa kabilang linya. "Hayoop ka Cohen! Bakit katabi mo si Aleya!" sigaw nito bago pa patayin ni Cohen ang tawag at binalik ang cellphone sa side table. "Sino yun?" tanong nya sa asawa na muling bumalik sa pagkakayakap sa kanya.
"Tropa kong lesbian na may gusto sayo." balewalang sagot ni Cohen na muling pumikit at niyakap sya. Kaya pala minura nito sa Cohen nang makita sya. Akala nya kasi phone nya yun. "Let's get back to sleep Aleya.. ngayon lang ako nasarapan matulog." anas ni Cohen sa leeg nya na ikinatayo ng balahibo nya sa batok dahil sa mainit nitong hininga. Nagtaas baba ang dibdib nya sa kaba.
Mukhang mahihirapan syang bumalik sa pagkakatulog dahil iba ang naiisip nya.
___*___
"I really hate you." paulit-ulit na sabi ni Eric sa kanya simula pa kanina ng magkita sila klase. Panay ang maktol nito buti na lang talaga wala si Kim. Kung hindi mahabang palinawagan ang mangyayari.
"Inagaw mo sya sakin. Walanghiya ka." bulong pa ni Eric sa kanya.
"Forgive me okay? It just happened. Hindi ko masabi dahil ayaw nya." wala namang sense na magtago pa ng totoo dahil nakita ng kaibigan na magkasama silang natulog. "But please keep it a secret." dagdag nya habang sumisilip sa view finder ng camera nya. Pero ang kumag ay ngumawa pa ng malakas habang nagpapadyak sa sahig na ikinatingin ng ibang kaklase nila. Naiiling na lang sya sa kaibigan, mukha talagang na-heartbroken ito sa nakita kaninang madaling araw.
Hindi nya maiwasang matawa ng lihim dahil ang epic lang nang nangyari. Alam nya naman na darating ang panahon na malalaman ng kaibigan nya pero hindi sa ganoong paraan.
Natigil sa pagmamaktol si Eric nang pumasok ang Professor nila, agad itong napaayos nang upo. Agad na nagdiscuss ang Prof nila nang bagong project nila.
___*___
Aleya
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Romansa"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel