Girl you're super sexy.---*
Malapit na si Aleya sa labas ng building nila nang makita nya si Cohen na may hawak na helmet habang kausap nito si Eric na kaklase-tropa nito, talagang sa gitna pa ng daan nag-usap ang dalawang ito. Agad syang nginitian ni Eric nang makita sya na ginantihan nya din ng ngiti.
Napalingon sya kay Cohen na nakatingin na din sa kanya. "Saan ka punta?" tanong nya na pinasadahan ng tingin ang asawa na naka-tshirt na white na medyo fitted dito at maluwag na jeans at naka-cap na black. Ngayon nya lang nakita si Cohen na nag-cap at lalo itong naging boyish na bagay na bagay dito. Boyish din naman si Lestat pumorma pero ang lakas lang ng dating sa kanya kapag asawa nya na.
She's so cute..
"Pupunta akong mall, may titignan at bibilhin sana." Sagot nito sa kanya na ikinatango nya na lang saka nagtanong sa hawak nito, hindi sya aware na may motor ang asawa nya. "May motor ka?" tanong nya na bahagyang ngumuso sa hawak na helmet ni Cohen na itinaas nito para makita nya nang maayos.
"Kay Eric itong helmet at sa kanya din yung motor."
Binalingan ni Aleya ang kaibigan ni Cohen na kanina nya pa napapansin na nakatitig ss kanya. "May extra helmet ka at pwede mahiram?" tanong nito na ikinatanga ni Eric saglit saka dahang-dahang tumango, nagulat na lang sila nang bigla itong tumakbo pabalik sa locker para kunin siguro ang isang helmet. "Sasama ka sakin?" baling ni Cohen sa kanya, tumango sya at tumingin sa wristwatch nya, 4 pm lang nang hapon mahaba pa ang oras. Wala naman syang ibang gagawin after nang volleyball dahil yung project nya sa major subject nila okay na din kaya petiks na sya.
"Pero mamaya kana umalis.. antayin mo ko sa gym magpapractice lang kami nang volleyball ng mga two hours tapos maliligo lang ako saglit." lintanya nya saka nginitian si Cohen na napailing na lang, kinuha nito ang dala nyang bag at sinukbit nito sa balikat nito. Hinayaan nya lang ang asawa dahil yun ang gusto nito. Pagbalik ni Eric ay inabot nito kay Aleya ang isang helmet saka sila nagpaalam dito na pupunta na silang gym.
"Kumain tayo dinner sa labas." ani ni Cohen habang papasok sila nang gym. "May gusto kaba kainin?" tanong nya. "Wala naman saka doon na lang tayo tumingin kapag nasa mall na tayo." inabot sa kanya ni Cohen ang gamit nya dahil magpapalit pa sya ng volleyball uniform at sapatos at dumiretso na si Cohen sa bench sa taas, wala pang tao sa court maliban sa coach at ilang assistant nito na nandoon kaya malamang nasa change room pa ang mga ka-team nya. Mabilis syang nagbihis dahil palabas na sila Amber pagdating nya at ayaw nyang maparusahan dahil nasa gym si Cohen.
Pinagwarm-up muna sila bago pinag-practice nang mock game.
"Kilala mo yun?" tanong sa kanya ni Paige na kaharap nya na malapit sa net. Nilingon nya ang tinuturo nito at nakita nya si Cohen na nanonood sa kanila. Naalala nya na hindi pa ito kilala ni Paige dahil wala ito sa party na pinuntahan nila Amber. Si Psyche naman ay wala din nang time na yun pero imposibleng walang magsabi dito dahil alam nyang chismosa ito.
"Yeah.. Cohen Avenida." sagot nya na lang at nag-concentrate sa laro. Tumagal nang ilang minuto ang rally bago nya napalo pabalik sa kabila ang bola at nagdown the line yun. Nag-apir sila ni Jewel na natatawa sa itsura ni Chase na kalaban nila. Nang matapos ang game nila ay kinausap sila nang coach nila nang ilang minuto bago sila pumunta sa changing room.
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Romance"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel