F O U R

312 26 3
                                    





People are oceans. You cannot know them by their surface.


---*




"Bakit ako papayag na maghiwalay kayong dalawa without seeing your efforts na mag-work ang relasyon nyo bilang mag-asawa?" Tanong sa kanila ni Don Alejandro Zobel habang nakaupo sa kabisera ng dining table. Nasa mansyon sila ng matanda at silang dalawa lang ang inimbita sa dinner na yun.





"Lo.. We don't love each other,  So don't expect us na mag-effort sa isa't-isa."  Sagot ni Aleya na nasa kabilang part ng lamesa kaharap nya. Bihira sya nitong tignan at kausapin, three months na silang kasal ni Aleya. At nag-suggest ang asawa nyang magaling na maghiwalay na sila dahil sinasayang lang nila ang panahon sa isa't-isa.





"What about you hija?" Baling sa kanya ng matanda, ibinaba nya ang hawak na kubyertos at nagpunas ng napkin bago sumagot."Kung ano pong desisyon ninyo Lolo, naniniwala ako na mas alam ninyo kung ano ang makakabuti." sagot nya na lang sa safe na paraan. Hindi naman sya against sa marriage nila ni Aleya dahil single naman sya.




Ilang sandali syang tinitigan ni Alejandro Zobel bago ito umayos ng upo at tinignan si Aleya na nakasimangot sa isinagot nya.




"Then it settled. Ayoko ng broken marriage sa pamilyang to. Hanggang diko nakikitang nag-eeffort kayong dalawa na maging okay ang pagsasama nyo. Divorce is out of the table." final na sabi ng matanda na hindi na natutulan pa ng sariling apo nito.



Ang tagal na simula ng mangyari ang pag-uusap nilang yun ay di nya pa rin nakakalimutan. Palagi nya nga naiisip kaya nagcame out sila sa desisyon na wag silang magche-cheat bilang respeto sa marriage nilang dalawa.




Muli nyang ibinalik ang atensyon sa pagtingin sa cellphone nya habang naglalakad papuntang canteen ng marinig nya ang boses ng asawa sa paligid. Pasimple nyang iginala ang mata at nakita nya ang asawa na busy sa pakikipag-kwentuhan sa transfer student na nakilala agad dahil sa pagsampal ni Nayumi dito.




Nakita nya ang pag-akbay dito ng babae na hindi man lang tinutulan ng dalaga. Simula ng ikasal sila ngayon nya lang nakitang may umakbay kay Zobel na hinayaan lang nito. They must be really close. Ang daldal pa ni Aleya habang kausap ito.




"Inunahan nya pa ako kay Aleya." Himutok ni Erika na kasama nyang maglu-lunch. Medyo binagalan nya ang paglalakad at hindi naman napapansin ni Aleya na halos nasa likod sila nito. Hindi nya pinapansin ang mga himutok ng kaibigan dahil naku-curious sya sa pinag-uusapan ni Aleya at ng kasama nito.




"Ang sarap ng pagkakaluto mo sa adobo nung isang araw.. luto ka ulit." Ani ng kasama nito. "Lestat iba naman, wag laging adobo." sagot ni Zobel sa babaeng tumawa lang.




Ah she cooked for you but not to me. Amazing




Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng galit o awa sa sarili dahil sa mga narinig nya. Hindi nya alam kung bakit napahinto ang dalawa sa unahan nya pero nagtuloy lang sya sa paglakad kahit na alam nyang masasagi nya si Lestat na sinadya naman nyang banggain sa balikat. Gulat na napatingin ito sa kanya pero na kay Aleya ang mga mata nya na bakas sa mukha ang pagkabigla sa ginawa nya. Ilang segundo syang nakatitig lang dito saka nagtuloy-tuloy sa paglakad.




Damn her.




Narinig nya ang paghingi ng tawad ni Eric sa dalawa bago nagmamadaling humabol sa kanya papasok sa canteen. "Hoy bakit binangga mo yung kasama ni Aleya? Dika pa nagsorry." sita sa kanya ng kaibigan. Salubong ang kilay na nilingon nya si Eric na tila nagulat sa reaction nya.





St.Sebastian Series: Aleya ZobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon