I love every version of you - Anilaphat—-*
"Pinuyat ka ni Cohen?" nang-aasar na tanong ni Astrid sa kanya habang naglalakad sila papunta sa parking lot dahil may ipapakita sya dito. "Pati ba naman ikaw?" naiiling na sita nya dahil pag-uwi nya pa lang kanina ay inaasar na sya ni Amber at Chase sa room nila dahil bukod sa may eye bags sya ay paos pa ang boses nya. Anong magagawa nya kung hindi nya mapigilang umungol? Ang galing kaya nang asawa nya. Napa-face palm tuloy sya nang wala sa oras dahil sa naisip nya.
Ang lakas nang tawa ni Astrid na ikinalingon nya dito. "Gosh I never saw you acting like that Aleya, parang wala ka sa sarili." kantyaw nito. "Please spare me." asar na ani nya at tinuro ang gustong ipakita kay Astrid. Wala kasi si Gemini at may laro sa ibang lugar kaya si Astrid ang nahila nya.
"Magugustuhan nya kaya yan?" tanong nya at tinignan si Astrid na nakanganga. "Are you kidding me? Ang tanga nya kung hindi!" bulalas nito na sinipat ang kotseng binili nya para kay Cohen. Napangiti sya sa narinig, kadarating lang nun at pina-customized nya pa para lang sa Asawa nya. "I didn't know that you have a tendency to be a sugar mommy when you're in love." natatawang baling nito sa kanya at muling tinignan ang kotse.
"I'm not." mabilis na sagot nya. "Sugar mommy?" paglilinaw ni Astrid pero umiling sya. "I'm not in love." pagtatama nya pero amused na ngumiti si Astrid. "I doubt that." makahulugang sagot nito na tinignan ang likod nang sasakyan. "Alam ba ni Cohen na bibigyan mo sya?"
"I don't know but she knows that I'm rich—I mean super rich you know." natawa si Astrid sa sinabi nya at umayos nang tayo. Inaya nya na itong bumalik sa building nila. "After pala nang finals, nagbabalak sila Amber mag-outing no?" si Astrid. Tumango sya habang kinukuha ang phone nya sa bulsa ng jeans nya sa likod. "Ambagan daw sa pagkain pero sa private resort daw tayo nila Harriet." banggit nya sa isang ka-team nila. Binasa nya ang reply ni Psyche kung pwede na ito mag-pictorial sa project ni Cohen at pwede na daw ito this coming weekend pero sa resthouse nila Demeter.
Wala naman syang lakad at sasabihan nya na lang si Cohen na linisin ang schedule nito.
"Pwede daw bang magsama nang outsider?"
Binulsa nya ang phone nya at nilingon si Astrid. "Hindi ko alam pero wala naman nabanggit na bawal pero much better kung itanong muna lang kay Captain." balak pa lang naman yun wala pang solid plan dahil yung iba after ng finals ay may tatapusin na project. Tapos after ng finals sa school ay vacation naman. Ang pinaka-hihintay nya. Naglakad sila papuntang canteen dahil may usapan sila na sasabay sila nang kain sa ibang ka-team nila sa volleyball na available sa oras na yun dahil mamaya ay may laban sila sa ibang school, pagdating nila sa canteen ay nandoon na si Paige, Amber, Harriet, Jewel at Chase. At kasama ng mga ito si Lestat, Naya at Miracle na ngayon lang nangyari na sumama sa table nila nang lunch break.
Umorder muna silang dalawa sa counter bago pumunta sa mesa nila Amber at magkatabi na silang naupo ni Astrid. Akmang susubo na sya nang pagkain nang marinig nyang magsalita si Paige.
"Lestat do you see that girl?" excited na ani ng kaibigan habang may tinuturo kay Lestat. Napatingin silang lahat sa pinto ng cafeteria kung saan naglalakad si Cohen kasama ang dalawang kaklase nito na nakaayos din habang papunta sa counter. Hindi nya na pinansin ang nahulog na pagkain mula sa kubyertos nya dahil busy sya sa pagtitig sa Asawa na naka-black dress na umabot lang sa kalahati ng hita nito, nakasuot ito ng heels at naka-shades pa habang naka full make up ito. Saan ito rumampa? Bumaba ang mga mata nya sa mahabang legs nito. Bakit nagsuot ito ng ganoon kaiksi?
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Romance"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel