Invest in people who invest in you.---*
"I know that you're a good person and I'm not expecting you to love her...my only wish is just treat Cohen like a family..." tahimik lang syang nakikinig sa lola ni Cohen habang nasa garden silang dalawa. Mag-aanim na buwan na silang kasal pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na humiling itong makausap sya.
Paano nya magagawa yung hinihiling ng matandang Avenida kung hanggang ngayon masama pa rin ang loob nya sa apo nito? At saka buo ang pamilya ni Cohen bakit humihiling ang matanda sa kanya ng ganoon bagay?
"If ever something bad happened to us, please protect her from her own family. Wag mo sya pabayaan."
Matagal na din simula ng makausap nya ang lola ni Cohen bago pumunta ang mga ito sa probinsya, noong una napapaisip sya kung ano ang ibig sabihin ng matanda. Pero nang mag-umpisa syang pansinin ang mga bagay na dati hindi nya napapansin, unti-unti nyang nare-realized kung bakit ito humiling sa kanya ng ganoon.
Her family doesn't treat her well, parang wala ngang pamilya ang asawa nya. And her own fraternal twin doesn't care about her. Kaya pala never itong nakwento sa kanila ni Carlisle, pero wala sa itsura yun ng lalaki. Kaya nga nagkagusto sya dito dahil sobrang bait nito sa kanila. Yung tipong kapag may hiniling kang favor dito gagawin nito agad kahit busy.
Kaya ang laking gulat nya dahil for the first time ay tumanggi ito at sa sariling kakambal pa nito.
After nang paguusap nila ng lola ni Cohen ay hindi nya alam kung anong approach ang gagawin nya dahil hindi naman sila close kaya inuna nyang ayusin ang magiging bahay nila. But lately parang kusa na lang nangyari ang lahat nitong nakaraang araw. At para din syang binuhusan ng malamig na tubig nang sinabi nito sa kanya na hindi man lang nya ito pinagluluto.
Naiinis sya sa ginagawa ng pamilya nito pero wala din naman sya pinagkaiba sa mga ito kung tratuhin nya si Cohen.
Napabuntong hininga na lang sya at tinapos ang paliligo sa shower dahil hindi sya nakaligo kagabi nang maayos dahil kasabay nya si Cohen, ngayon lang nagsink in sa utak nya na nakita nito ang hubad nyang katawan. Okay let say na hindi yun ang unang pagkakataon pero kasi lasing naman sila nun..Masyado kasi syang occupied na asikasuhin agad ang asawa dahil nanginginig na ito sa ginaw.
Paglabas nya nang kwarto ay nasa sala si Cohen na abala sa Ipad nito at seryoso ang mukha. Nasa center table naman ang camera nito kung saan naka-konek ang gadget nito at nasa sahig ito naka-upo, ilang sandali nya itong pinagmasdan dahil natutuwa sya sa expressions ng maamong mukha nito, nag-eedit siguro ng mga pictures.
"I heard na may bago kayong project na interesting." pagsisimula nya sa topic nang umupo sya pang-isahang sofa. Nag-angat nang paningin si Cohen na may hawak din sa isang kamay na apple pencil, pagtingin nya sa Ipad nito ay nakita nyang nag-eedit ito ng picture nang pagkain. Ang ganda talaga nito kumuha ng pictures at videos, ang mahal kaya ng binabayad nya sa isang professional photographer para sa gawa nyang food para sa IG nya tapos si Tara libre lang sa asawa nya? What a lucky bitch
"Nude photos" sagot ni Cohen sa kanya. Nagpanggap syang walang alam kunwari saka tumango dito. "Sinong model mo?" pasimpleng tanong nya na kinuha ang remote ng tv at binuksan yun para magmukhang hindi sya ganun ka-interesado. "Wala pa nga.Gusto mo ba?" ang bilis nang lingon nya sa dalaga na natawa nang malakas. Is she kidding right?
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Roman d'amour"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel