"Be yourself, people gonna judge you anyway."---*
Cohen's
Nasa department lounge area silang dalawang mag-barkada, nakatambay habang naghihintay ng oras ng last class nila sa araw na yun. Walang sariling park ang Art Department sa ngayon dahil nire-renovate kaya lounge area ang ginawa muna ng school na nasa loob mismo ng building. Kaya karamihan ng students ay doon tumatambay para magpalipas ng oras, minsan yung iba doon na gumagawa ng project.
"Dude... tell me anong feeling na katabi mo nang locker yung baby girl kong paboritong anak ni lord?" si Eric na nakatubaba sa table habang nakaharap sa kanya ng upo.
Mula sa pag-aayos nya ng lens ay nag-angat sya ng paningin para tignan si Erica aka Eric dahil butch ito. God's Favorite Child kasi ang tawag ng ibang ka-department nila kay Aleya Zobel dahil mukhang anghel, mabait, never daw nagsalita ng masakit o nagmura, ubod ng yaman at laging nakangiti kahit di kakilala. Angel my ass. Ang lutong kaya nito magmura sa kanya.
And she called my wife Baby girl? tinalo pa sya nito kung makatawag ng kung ano-anong endearments kay Aleya nang nakaraan kasi sweety, ano kaya next?
"Wala naman. Ano ba dapat ang ma-feel ko?" nonchalant na balik tanong nya sa kaibigan na sumimangot na lang, nilagay nya ang mga lens sa camera bag dahil malapit na magstart ang last class nila. Photography ang major nya na sobrang tinutulan ng parents nya. At first nang nalaman ng mga ito ang paglipat nya ng ibang course nung First year second semester ay galit na galit ang Daddy nya dahil gusto nito na sya ang mag-take ng business course dahil nag-medicine si Carlisle, dalawa lang naman silang magkapatid at may mga business sila kaya sa kanilang dalawa sya ang inaasahan ng mga ito na tutulong.
Buti na lang to the rescue ang grandparents nya kaya wala ng nagawa ang Daddy nya, yun nga lang halos hindi na sya nito pinapansin kapag uuwi sya sa bahay o kapag pupunta sya sa Palasyo para sa family dinner nila for media purposes.
Back to reality, palibhasa kasi ay crush na crush ni Eric si Aleya Zobel since freshmen sila pero hindi makaporma dahil itsura pa lang daw nito ay mukhang hindi na ito papatulan ni Zobel kaya nanligaw na lang ito ng ibang babae. Ever since na nakapasok si Aleya sa Aphrodite's ay nawalan lalo ng pag-asa ang tropa nya dahil alam naman sa school na kapag napasama ka sa Top Ten, magiging target ka ng mga sikat, heartrobs at playboy sa University. Well, hindi naman nya itatanggi na may naging crush sya sa Aphrodite's, yung untouchable na Top one na si Nayumi Fortalejo pero hindi naman nagtagal yung crush nya sa babae dahil nagka-girlfriend sya dati.
Ano kayang magiging reaction ni Eric kapag nalaman nito na asawa nya ang dream girl nito? At isa pa sa Aphrodite's? Lihim syang natawa sa naiisip.
"Ewan ko sayo." ani ni Eric na nayayamot na nakatingin sa kanya. "Sila ba ni Ashton Cervantez? Nakabuntot yun kanina sa kanya sa building natin." tanong pa nang kaibigan, nagkibit sya ng balikat dito bilang sagot.
Ayaw nyang mag-komento kahit na narinig nya naman kanina ang usapan ng dalawa sa locker area. Pero ayaw nyang sabihin yun dahil unang-una nagpapanggap silang walang koneksyon sa isa't-isa dahil yun ang napagkasunduan nilang set-up after ng kasal nila sa ibang bansa. Masasabi nyang napaka-laking gulo o scandal ang nangyari kung nalaman ng media ang nangyari sa Hacienda, one year ago at kung lalaki siguro sya malamang baka di sya nakalabas ng buhay sa lugar na yun kahit pa sabihin na anak sya ng Presidente ng bansa.
"Kung totoo na sila, malamang nagalaw na ni Ashton yun." singit ni Kim na kadarating lang at umupo agad sa tabi nya. "Ang swerte naman nya." naghihimutok na ani pa ni Eric na ikina-iling nya, sa isang taon na mag-asawa sila alam nyang hindi ganon na uri ng babae si Aleya dahil sya nga ang naka-una dito. Alam nya yun kahit na nakainom sya. Yun nga lang... yun ang una at huli dahil wala naman silang sariling bahay para makapagsolo. Ayaw din ni Aleya na makasama sya sa iisang lugar na silang dalawa lang at nagkakasama man sila kapag pinadadalaw sila ng matandang Zobel sa Hacienda saka ng magulang nito sa Forbes.
Besides Aleya hates her.
"Let's not assume things." komento nya sa dalawa. Tinignan ni Kim si Eric, "Magmove-on kana kay Aleya kasi everyone knows that she's straight. If ever man na bumaliko yun si Gemini ang unang-una na mapapansin nya kasi ang gwapo nang bestfriend nya." sarcastic na lintanya ng kaibigan nila na tinuro sya para sang-ayunan ito na ginawa nya naman dahil totoo naman, umasim ang mukha dito ni Eric at binato ito ng papel na nasa table nila pero tumatawang nakaiwas si Kim. "Ang epal mo, crush na nga lang hindi pa pwede." asar na asar na sagot nito na ikinatawa nya na. Tama naman kasi ito crush na nga lang pinagbabawalan pa.
"Kita mo nga si Lauren Sebastian na-bend nya. Si Aleya pa kaya?" pang-aasar na kwento pa ni Kim, hindi naman pangit ang tropa nila pero average naman pero kung ilalaban talaga ito kay Gemini? No comment na lang sya. May mga bagay na hindi na dapat pang sabihin.
"Tara sa next class." aya nya sa dalawa na agad namang sumunod sa kanya kahit na nag-aasaran at nagtutulakan sa likuran nya.
Napadaan sila sa classroom ng mga culinary major at agad nyang nakita si Aleya na abala sa ginagawa nitong pagluluto. Ironic, asawa nya ito pero kahit anong luto o juice na ginawa nito ay di pa sya nakakatikim. Sabi nito sa kanya nung unang buwan ng pagiging mag-asawa nila ay hindi daw sya makakatikim ng kahit anong gawa nito kahit kailan.
Ganon sya ka-hate nito dahil sya ang malaking hadlang sa lovestory nito at ng kambal nyang magaling na favorite child pa nang parents nya.
At yun naman ang ikinatutuwa nya. Ang supposedly trophy wife ni Carlisle ay naging asawa nya. Ang pangarap ng magulang nya na mapabilang sa angkan ng mga Zobel sa pamamagitan ni Carlisle ay sya ang gumawa. Tumaas ang sulok ng labi nya habang nakatingin sa asawa na walang malay sa nangyayari sa paligid. At kahit na mas lalong nagalit ang parents nya sa kanya dahil sa mga nangyari ay wala na rin syang pakielam. After all, sya naman ang blacksheep ng pamilya nila at paninindigan nya na dahil wala naman syang ginawang mabuti sa paningin ng mga ito.
Mabuti na lang mahal sya ng magulang ng Daddy nya kaya kahit papaano ay may support system syang matatawag kahit na minsan mahirap sa kanya dahil mas maganda sana kung okay sila nang sarili nyang magulang.
Dumagdag pa sa problema nya ang pagiging bisexual nya na lalong ikinalayo ng loob sa kanya ng pamilya nya. Hindi naman sila magka-away magkapatid pero may lamat na rin ang relasyon nilang dalawa dahil sa ginawa ni Carlisle sa kanya ng highschool sila. Civilized silang dalawa pero hindi na siguro babalik ang closeness nila katulad ng mga bata pa sila. Although they are times na namimiss nya na may kapatid sya na kakambal nya pa pero anong magagawa nya kung ito mismo walang balak ayusin ang relasyon nilang magkapatid?
___*___
It's been a long time..
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Romance"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel