N I N E

355 35 2
                                    







"Cause you fulfilled my life"


---*









Nagbibihis na si Aleya ng damit nya nang dumaan sa tabi nya si Psyche na naghubad agad ng damit nito. Madalas talaga itong nahuhuli dahil mabagal itong kumilos lalo na kapag naliligo. Pinasadahan nya nang tingin ang katawan nang kaibigan. The perfect epitome of sexiness, napaka-swerteng nilalang ni Demeter dahil girlfriend nito ang pinaka-sexy-ng babae sa University.










Naisip nya ang project ni Cohen. Perfect na perfect si Psyche para doon dahil alam nyang nagmomodel ito dati. "Psyche..." tawag nya sa kaibigan na agad lumingon, bumaba ang tingin nya sa abs nito. Ang perfect lang nakaka-inggit lang, tinatamad kasi sya magwork-out.











"I have a favor..." ani nya na ikinatingin ng mga kasama nila sa locker room. Sinenyasan nya si Psyche na lumapit sa kanya at saka nya binulong dito ang favor nya. Tinitigan sya ng dalaga, "Sure but I need a favor too." this time ay sya naman ang napatitig kay Psyche. Parang hindi maganda ang kutob nya sa pabor na hihingin nito sa kanya. "Okay, what it is?" wala namang masama kung malalaman nya.










Pagkatapos ibulong sa kanya ni Psyche ang pabor nito ay napakamot sya ng ulo. Sabi na..











"Lemme think about it first." sagot nya na lang kahit na ayaw nya ng pabor na hinihingi nito sa kanya. Nginitian sya ni Psyche. "Okay. Tell me if nakapag-decide kana." ani ni Psyche at pumasok na sa bakanteng cubicle. Nagpaalam syang mauuna na umuwi sa JUSENTH dahil magkikita sila ni Cohen para ibigay nya dito yung extra food na ginawa nya kanina sa klase nya. Dati lagi nyang binibigyan si Carlisle ng ginagawa nya pero nang kinasal na sya ay tinigil nya.










Nagtext si Cohen sa kanya na sa park ito ng PolSci at nakatambay, kapag gabi naman na wala ng gaanong tao ang tumatambay sa park ng campus. First time nya itong bibigyan ng gawa nya sa school. Agad nya naman nakita si Cohen na nag-iisa sa park dahil medyo tago yun. Pag-upo nya sa tabi nito ay kumunot ang noo nya dahil amoy usok ng sigarilyo pero hindi sya nagtanong sa dalaga.










"Nag-dinner kana?" Sabi nya sa asawa na napansin nyang may candy sa bibig. "Hindi pa ako nakakauwi sa dorm, may tinapos pa kasi ako sa department studio." sagot ni Cohen na napatingin sa dala nyang paperbag. "Food?" tanong ulit nito na tinanguan nya naman."Niluto ko yan kanina sa klase." agad na tinignan ni Cohen ang laman ng tupperware, halatang natuwa ito.










"You look stressed." puna nya dahil halata sa mukha nito ang pagka-haggard. Napatitig ito at ngumiti ng matamis sa kanya. Ang ganda ng mata at ng smile nya..










"Ang ganda mo." Ani nya sa pabulong na paraan, natigilan si Cohen sa sinabi nya pero wala syang balak bawiin yun dahil totoo naman. Mas lalong nagiging expressive yung mata nito kapag ngumingiti, tapos ang sarap lang sa pakiramdam kapag ikaw yung nginitian nya nang ganon. May something sa mga mata nito na mapapatitig ka ng matagal.










"Kanina lang mukha akong stressed sa paningin mo ngayon naman nagagandahan kana." nahihimigan nya ang panunukso sa boses ni Cohen kaya napatikhim sya dahil pakiramdam nya may nakabara sa lalamunan nya.









"Stress kaba sa nude project mo?" pag-iiba nya sa topic dahil nakararamdam na sya ng hiya. Umayos ng upo si Cohen, nakatingin lang ito ng diretso sa kawalan na para bang may malalim na iniisip."Wala kong makitang model na perfect sa naiimagine ko."










St.Sebastian Series: Aleya ZobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon