"You hate that you want me."---*
"Sorry..I'm late." napatingin silang lahat kay Carlisle na kakapasok lang sa Frat house, galing ito sa isang event kaya late na itong nakarating. Binalik nya ang tingin sa daliri at sa di kahabaang kuko nya. Papakulay sya ng bago dahil hindi na maganda ang kukay ng nail polish nya. Narinig na lang nila ang papalayong tunog ng helicopter na naghatid dito. Helicopter ng government to be specific na ginamit nito para lang sa sarili nitong kapakanan. Marunong din itong magpatakbo dahil minsan na syang nagpasama dito para sunduin si Naya at Lestat sa benguet.
Nasabi nga sa kanya ng Lola ni Cohen na ito ang paboritong anak kaya hindi na sya nagtataka. Nung una nagtataka sya kung bakit sa mga special gatherings sa palasyo mas madalas nya ito nakikita sa news na nandoon at bihirang okasyon na naroon si Cohen, kapag SONA laging si Carlisle ang nagpapa-interview at humaharap sa mga press.
Malakas ang ulan at walang tigil yun simula pa kaninang umaga dahil sa super typhoon. Gusto nya sanang mahiga na lang sa kama nya pero nagpatawag ng meeting si Einar kaya wala syang magawa kung hindi ang umattend. After ng meeting ay sabay-sabay silang umuwing mga babae maliban kay Naya at Gemini na parehas may gagawin, tatambay sila sa dorm nila dahil weekend kinabukasan pwede silang mag-marathon ng movie o series.
Nasa kalagitnaan sila nang panonood ng maalala nya si Cohen dahil hindi nya ito nakita maghapon kahit sa locker area. Kinuha nya ang phone nya at nagpasyang i-message ito kung nasaan ito. Agad namang nagreply sa kanya ang asawa na may extra job ito after ng klase, isang photoshoot sa restaurant sa Quezon City after nyang magreply ng okay ay itinabi nya na ulit ang phone nya.
"Order tayo ng dinner natin?" suggest ni Paige sa kanila dahil walang gustong magluto. "Sige order kana." sagot ni Amber dito at saka sila binanatan ng ambagan sila. Ilang saglit lang ay nagsalita si Paige pagkatapos nito tumingin sa phone nito. "Unavailable guys close ang mga Restaurant." ani nito. Dumampot si Chase ng phone nito at nagscroll marahil sa socmed.
"Grabe na pala ang baha sa ibang lugar specially sa maynila saka ibang provinces. May mga dam ng umapaw." naiiling na kwento nito habang nakatingin sa phone nito. Napatingin sya sa labas ng bintana nila at saka tumayo para tignan ang nangyayari sa labas. Walang hangin pero grabe ang patak ng ulan na walang tigil.
"Baha na ba sa Quezon City?" out of sudden na tanong nya sa mga barkada. "Oo kanina pa." sagot ni Chase sa kanya. Kinuha nya ang phone nya sa bulsa at tinawagan si Cohen pero out of coverage area na ito. Nahilot nya ang sentido sa inis. Bakit di pa ito umuwi kanina? Magkano ba ang kikitain niya sa raket na yun para i-sacrifice ang safety nya?
Mula sa pinapanood nilang movie ay nilipat ni Chase sa News. Pinakita pa yung mga lugar na lubog na lalo na sa parteng maynila na lalo nya atang ikina-stress dahil nakita nyang may mga lumalangoy na.
Pumunta sya sa kwarto nya at tinawagan si Carlisle na agad namang sumagot.
"Hey." bati nito sa kanilang linya.
"Where are you?" tanong nya na palakad-lakad sa kwarto. "Nasa dorm, why?"
"Hmm.." nahihiya sya pero kailangan nya si Carlisle."Na-stranded ata ang kapatid mo sa QC.. baka may magawa kang paraan?" tanong nya sa binata na hindi sumagot. Cheneck nya pa ang phone nya kung napatay nya yun pero naka-on going naman.
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Romance"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel