An overthinker must date a great communicator.---*
Iginala nya ang paningin sa buong bahay na pinagdalhan sa kanya ni Aleya. Condominium yun na malaki, feeling nya ay dalawang unit yun na pinagsama dahil sa nakita nyang ayos ng building sa labas. Nakaupo sya sa tools sa kitchen island kung saan nagpe-prepare si Aleya ng niluluto nito. Wala syang alam sa pagluluto kaya hindi sya nakikielam.
Kusina pa lang ni Zobel, alam mo na agad na chef ang may-ari o mahilig sa pagluluto. Mula ss ayos at mga gamit sa pagluluto. Kumpleto pero organized. Iniisip nya nga lang kung nasaan ang mga kaldero dahil hindi visible kung nasaan. Madami na syang napuntahan na restaurant para kumuha ng mga pictures pati na rin sa pagkain ng mga ito kaya masasabi nyang napaka-ganda ng kitchen ni Aleya. Para syang nanonood ng cooking show, feeling nya pa ay may malaki itong pantry o closet ng mga pagkain.
"Did you like our place?" biglang tanong ni Aleya habang nakatalikod sa kanya. Ilang saglit syang napatitig sa likod ng dalaga na abala sa ginagawa. Hindi nya alam ang isasagot dito sa totoo lang dahil di nya man lang naisip na magkakaroon silang dalawa sa uri ng pagsasama nila.
"Did you renovate this place?" pag-iiba nya sa topic dahil nahihiya sya dito. Hinarap sya ng dalaga na nagsasaing pala ng kanin. "Actually this is my condo. Binili ko lang yung katabing unit tapos pina-renovate ko para mas lumaki at para mas okay sa ating dalawa kasi wala naman balak pumayag si Lolo sa divorce natin." mahabang lintanya ni Zobel na napalabi na tila may naalala.
"I felt ashamed about this..dapat ako ang gumagawa nito para sa atin." wala syang ideya na okay kay Aleya na magsama sila sa iisang bubong dahil nung unang buwan ng pagsasama nila ay halos hindi ito nagpapakita sa kanya. Why the sudden change?
"It's okay. Hindi ko rin naman sinabi sayo ang tungkol sa plano ko dahil next month ko pa dapat ipapakita yung bahay natin kung hindi ka lang tinoyo sa school kanina." Naiiling na komento nito na sinenyasan syang lumapit at ginawa nya naman. "Hindi ako tinoyo, nainis lang ako sa Lestat na yun." pagtatanggol nya sa sarili habang inaabot ang platito na may sabaw at tinikman yun. Sinigang na baboy pala ang niluto nito.
Bakit kaya alam ni Aleya magluto ng mga ganitong pagkain? Hindi naman yun tinuro sa mga ito sa school?
"Masarap." ani nya na nagpangiti kay Aleya na mayabang na nagkibit ng balikat. "Don't be mad at Lestat..We are just friends and for your information hindi ko sya pinagluto, ako talaga ang nagluto sa dorm room namin ng araw na yun nang nakikain sya." paliwanag ng dalaga habang inaayos ang kalat sa kusina. After nilang kumain dalawa ay iginala sya ni Aleya sa magiging bahay nila. Dinala sya nito sa room nito na ginawa nitong Master bedroom, guest room at isa pang room na para sa kanya pero wala pang gamit.
"Ikaw na lang bahala mag-ayos sa room mo kasi diko alam ang type mong ayos." ani nito na inaya syang pumasok sa loob at binuksan ang isang pinto at bumulaga sa kanya ang isang aesthetic office na kumpleto na sa gamit maliban na lang sa mga camera at mga lens. "Tumingin ako sa youtube ng mga design office ng mga photographer because I know that you need one." napatitig sya sa asawa. "Ginawa ko na lang syang extension ng room mo para mabilis mong ma-access yung workplace mo." dagdag pa nito na ngumiti ng tipid sa kanya na parang nakikiramdam sa magiging reaction nya.
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Romance"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel