T H R E E

308 19 5
                                    







Everytime you try to forget who I am, I'll be right there to remind you again.


---*








Abala sya sa laptop nya at nagse-search ng ideas about food na trending sa Europe nang mapatingin sya sa labas ng bintana nang classroom.










Nakita nya si Cohen na pumunta sa pintuan nila na tila may hinahanap, tumigil sya sa ginagawa at sakto naman na wala pa silang professor, naka-masid  lang sya sa dalaga dahil alam naman nito na hindi sila pwedeng mag-usap sa school kaya alam nyang iba ang pakay nito.










"Ang ganda ni Cohen kaso may pagka-mysterious." ani ng katabi nyang si Astrid na kaklase nya at ka-team nya sa volleyball. Tumango sya sa kaibigan dahil totoo naman ang sinabi nito, kahit napaka-simple ni Cohen pumorma maganda ito. Lihim na tumaas ang kilay nya ng makitang tumayo si Tara at nagmamadaling lumabas para kausapin si Cohen.










"Mag-Ex daw yang dalawa na yan pero mukhang magkaka-balikan na ata." bulong sa kanya ni Astrid na ikinaharap nya dito nang tuluyan, hindi nya alam na may Ex si Cohen sa school nila. At simula ng ikasal sila ngayon nya lang nakitang nag-usap ang dalawa. Oh baka   nang kaharap sya?










"Kailan naging sila?" tanong nya sa kaibigan dahil alam nyang chismosa ito. Napaisip ito ng ilang saglit at saka napailing. "Wala kang kwentang chismosa." aniya at kinuha ang cellphone nya para i-message si Naya, bakit nga ba sya nagtitiis kay Astrid kung andyan naman si Fortalejo na kumpleto pa ang ibibigay sa kanyang info.










Pagkatext nya kay Naya ay agad itong nagreply.










From: Naya
Why are you asking? Is she relevant to you?










She replied 'basta' to Nayumi na alam nyang di maniniwala. Ilang minuto ang lumipas at nagulat sya ng biglang tumawag si Nayumi na bihira nitong gawin.










"What?" she asked.










"Cohen Avenida is your wife? Like what the fuck kambal ng lalaking mahal mo? All this time..I thought you're straight?" sunod-sunod na tanong ni Naya sa kanya.










Namilog ang mata nya pagkabigla. Big mistake, bakit nga ba sya nagtanong sa hacker? Teka si Fortalejo ba talaga ang kausap nya? Bakit ang dami nitong sinabi. Kinakabahan na napatayo sya at napalabas ng classroom ng wala sa oras, nakita nyang napatingin sa kanya ni Cohen na kumunot ang noo, marahil sa itsura nya ngayon.










"Hold on Naya, don't tell anyone about this okay? Kayo lang nila Gemini at Carlisle ang may alam..so please keep your mouth shut about it." ani nya na pumunta sa may hagdan kung saan walang tao. "I'm shocked." ani ni Naya na tumatawa sa kabilang linya, napalabi sya dahil sa katangahan. Natampal nya ang sariling noo dahil sa ginawa nyang pagtatanong kay Fortalejo.










"Anyway your question about them." tukoy nito sa mag-ex na tinatanong nya kanina. "Naging sila ng first year pa tayo pero nagbreak din nung second year third semester. But they still connected to each other, yung asawa mo ang kumukuha ng pictures sa ginagawang pagkain ni Tara." kwento ni Naya.









Kaya pala ang gaganda ng pictures ng food presentation nito sa IG.










"Why are you asking about them? Niloloko kaba ng Avenida na yan?" natawa sya sa sinabi nito. "Nope, just curious ngayon ko lang nalaman na may ex sya."










St.Sebastian Series: Aleya ZobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon